Dark POV
Napangiti lamang ako dahil sa aking nakikita. Ang lakas niyang kumain na parang wala itong kasama. Ngingitian ko nalang siya pagnahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Nagkaproblema ang isa sa mga kompanya ko kaya iniwan ko muna siya dito sa mansion. May traydor na nagnakaw ng isang billion mula sa pondo na nakalaan para sa pagbili ng mga kagamitan na kakailanganin sa darating na anibersaryo sa kompanya sa Sabado.
Akalain mo na sa isang dekada niyang paninilbi sa akin ay sisirain niya lang iyon dahil nasilaw siya sa pera na ipinahawak ko sa kanya para bumili ng mga kagamitan. Dinamay pa talaga ang pondo sa kanyang utang na hindi niya nababayaran sa isang casino dahil sa pagiging sagalero nito. Ilang araw nalang bago ang anibersaryo ay wala parin ang mga kagamitan at pati siya ay nawala na pero mautak ang mga tauhan ko at nahuli nila siya bago pa ito umalis ng bansa.
Dahil lang sa kanya ay nabahiran nanaman ng dugo ang aking mga kamay na siyang iniiwasan ko dahil nandito na ang mahal ko. Natatakot ako na baka layuan niya ako pag ito'y nalaman niya. Pina-una ko siyang magshower bago ako. Mahimbing na ang tulog nito nang lumabas ako sa banyo.
'Ganun ba ako katagal sa banyo? Tssss' ani ko sa aking isipan.
"Good night baby." tumabi ako sa kanya at sinambit iyon. Niyakap ko nalang siya patalikod at nagpalamon na sa kadiliman.
Joy POV
Nagising ako dahil gumalaw ang kung sino sa aking tabi. Hinay hinay akong gumalaw at hinarap kung sino man ang nakayakap sa akin. Doon ko napagtanto na si Dark lang pala na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin. Guwapo parin ito kahit tulog at parang inosente lang ang peg.
"I know I'm handsome baby." nabalik ako sa ulirat nang nagsalita si Dark bago dinilat ang kanyang mga mata.
"Good morning baby." bati nito sa akin ng may ngiti sa labi.
"Good morning too." pabalik na bati ko sa kanya. Napapikit nalang ako nang hinalikan niya ang aking noo.
"You want to come with me to work?" tanong ni Dark bago bumangon kaya bumangon din ako.
YOU ARE READING
Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]
RomancePrologue Someone's POV "Did you do your work" malayelo Kong tanong. "Y-yes M-master" nanginginig na tugon ng aking tauhan habang nakayuko dahil sa takot. I smirk for it. I know that no one can have her EXCEPT ME! with an...