CHAPTER 12

178 10 0
                                    

    "Pinakamalaking Business Organization"

                                     JOY POV

" Maupo ka muna baby." ani ni Dark bago tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo sa swivel chair nito. Wala akong nagawa at umupo sa isang mahabang sofa. Umupo rin siya sa isang single sofa na nasa side lang ng kinauupuan ko.

"Sasabihin ko ang mga dahilan pero wag ka sanang pag nalaman mo na ang mga ito dahil hindi rin naman kita papayagan. Nandito ko dahil ikaw ang napili ng aking puso na gusto kong makasama habang buhay at pupuna sa tronong matagal nang naghihintay ng uupo dito. Isa akong Mafia Emperor sa isang pinakamalaking business organization sa buong mundo at ikaw ang magiging Mafia Empress nito. Ikaw ang kauna-unahang nakasungkit ng trono sa mga babae na sumubok. Ikaw lang baby ang uupo doon at wala ng iba. Wag kang mabahala dahil legal ang organisasyon namin na magiging naten." panimula nito pero literal na napanganga ako sa aking mga nalaman.

       Tama pala ako sa aking hinala na may mataas siyang posisyon. Hindi ko naman alam na totoo pala ang mga mafia mafia nayan sa mundo. Talaga namang wala akong masyadong alam sa mga nangyayari ngayon sa mundo dahil hindi ako updated sa mga business news.

"Nung una kitang makita ay nahumaling na ako sayo at ikaw ang babae na muling nagpatibok sa aking puso mula sa mahabang panahon. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang tungkol dito. Gusto ko lang na malaman mo na mahal kita at handa akong protektahan ka. Naguguluhan ka man ngayon pero mauunawaan mo rin sa tamang oras lahat." pagpapatuloy nito sa kanyang sinasabi. 

      Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya kahit mahirap dahil gaya ng kanyang sinabi na hindi naman niya ako papalayain pa dahil hawak na niya ako. Mas lalo ang banda na kanyang sinabing ako ang babae na muling nagpatibok ng kanyang puso sa mahabang panahon.

     Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon itong nakaraan na naging dahilan. Hindi naman ako kapapanganak lang na sanggol upang hindi malaman ang ibig sabihin nito. Maaaring  may babae na naging dahil upang mawasak, masaktan at naging bato. Nakaranas naman ako ng crush sa mga kababata ko noon kaya alam ko ang nararamdaman ng isang tao kapag hindi sila crinushback o minahal pabalik. Mas lalo kapag dumating nasa point na may masasaktan na isa sa dalawang taong nagmamahalan. Kahit anumang dahilan at puno't dulo nito ay talagang nasaktan siya ng lubusan na bumago sa kanyang ugali at pakikitungo sa ibang tao.

Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]Where stories live. Discover now