CHAPTER 12.1

167 9 0
                                    

                                      Dark POV

"Sana balang araw ay masabi mo sa akin ang mga bagay na bumabagabag sayo. Lahat ng tao dito sa mundo ay mayroong nakaraan na mahirap nilang kalimutan. Wag mong dalhin sa hinaharap ang mga nakaraan mo noon. Maapektuhan nito ang iyong ugali, kung paano ka makihalubilo  sa ibang tao pati paggawa at pagdesisyon mo sa mga bagay bagay at marami pang iba. Nakasalalay din dito ang iyong emosyon " mahabang saad ni Joy.

      Sa kaniyang sinabi ay makikita mo at mararamdaman mo  ang  pag- aalala niya. Hindi parin nawawala ang pagiging  nurse niya dahil sa mga advice na kanyang sinabi.
     

" Sana balang araw malilimutan ko na iyon at mapapalitan ng mga magagandang pangyayari kasama ka" saad ko.

     Ngumiti ito kaya mas gumaganda pa siya lalo. Kahit na ang simple  niyang babae pero ang lakas ng tama niya kapag tinitigan mo siya. Ang pagiging simple niya ang mas nagbibigay ng magandang pagtingin ng tao sa kanya. Hindi gaya ng mga ibang babae na nakilala ko na handang ibenta ang kanilang  mga sarili kahit kanino basta lang  makuha  ang mga gusto nila.
    

" Kung ako ang magiging daan para makapag simula kang muli  at magbago ka ay handa ako. Ang nais kulang ay dapat alam mo ang iyong hangganan at pati rin ako sayo. Maaari tayong magsimula sa pagkilala ng lubos sa isa't Isa para alam natin kung saan tayo lulugar." pagpapalubag niya sa sitwasyon.

       Masaya ako dahil sa kanya ako mahulog muli at handa akong sumugal para sa mga taong mahal ko. Hindi ako nagkamali ng napiling babae at talagang naitadhana kami sa isa't isa.

"Hindi ka bang tanggapin ang posisyon na aking inaalok sayo. Sa oras na magiging kasintahan kita ay wala ka ng magagawa kundi tanggapin iyon. Sana ay hayaan mo akong ipadama sayo na mahal kita. Sabihin mo lang ako kung sumosobra na ako at hindi na iyon naaayon, labag sa loob mo o nasasaktan na kita para alam ko ang aking gagawin." pagpapaliwanag ko sa kanya.

       Lumapit at lumuhod ako sa harap niya at tinignan siya. Gusto kong makita ang kanyang reaction sa aking sinabi at kung ano ang magiging tugon niya rito.

"Hindi natin alam ang mangyayari sa susunod na araw. Ang maipapangako ko lang sayo ay handa akong gabayan at tulungan ka sa abot ng aking makakaya para makapagsimula kang muli. Bonus muna kapag napa-oo mo ako." aniya habang nakatingin sa aking mga mata na may ngiti sa labi.

Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]Where stories live. Discover now