CHAPTER 8

213 14 0
                                    

                            ~~~ BEBE LOV~~~

           
                                       Joy POV

   
        Kompleto na lahat ang mga kailangan ko sa aking biyahe papuntang UK, si Doc Maricel na ang nag-asikaso sa lahat pati nga mga kailangang bayaran ay siya na ang gumastos dahil siya daw ang nag-offer saken ng trabaho kaya kargo daw niya lahat. Oh diba may trabaho na ako tapos libre pa lahat hanggang makalipad na ako kaya san kapa...... grasya na yan eh, tatakbuhan mo pa.

      Suportado naman ako ng aking pamilya kaya mas magaan ang aking loob para bumiyahe at malayo sa kanila ng ilang taon. Flight kuna bukas alas otso ng gabi (8:00 pm) para pagdating ko doon ay umaga na. Nandito ako ngayon sa isang hotel dito sa Manila, dahil kailangan kong maaga dalawang oras bago ang flight ko.

       Kinabukasan ay ganun ang aking ginawa. Naging payapa naman ang biyahe ko hanggang makalapag na ang eroplano. First time ko dito kaya pagbaba ko ng eroplano ay naghintay muna ako ng ilang minuto para makuha ang aking mga bagahe. Ngayon ay hinahanap ko ang ipinadala daw na tauhan ng magiging boss ko. Oh diba sosyal, pero dapat makasiguro tayo dahil mahirap ng maligaw dito sa UK ng mag-isa.

"Miss Xhaira Joy." napatingin ako sa kung sino man ang tumawag sa akin, hanggang nakita ko ang isang magandang babae na may hawak na tarpulin na ang nakasulat ay "WELCOME TO UK MISS XHAIRA JOY SANTILAN". May patarpulin pa si ghorl. Lumapit ako sa kanya ng may ngiti sa labi.

"Welcome to UK Miss Xhaira Joy Santilan, I'm Loraine Buenavista, personal assistant of Sir Dark." magiliw na bati nito.

" Nice to meet you Miss Loraine, can we go now?" bati ko rin at tanong sa kanya. Tumango lang ito habang may ngiti parin sa labi.

"Ofcourse Miss Xhaira Joy, I just help you with your laguage." akmang tutulungan niya ako ay pinigilan ko ito.

"I can handle it." pagtangi ko dito. Hay . Mapapalaban tayo sa english speaking dito ha. Sabay kaming lumabas ng airport at sumakay kami sa isang black na Van. Dito ako dinala ni Miss Loraine eh. Diba sosyal, may tagasundo pa ako. Iba din si Boss. Nakatuon nalang ang aking paningin sa labas ng Van. Ang gaganda ng mga tanawin dito.

Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]Where stories live. Discover now