CHAPTER 13.1

164 12 0
                                    


                                    Joy POV

            Matapos ang aming pag-uusap ay iniwan niya ako dito sa library. Aliw na aliw akong naghahanap ng librong susunod kong babasahin. Nakasalansan ang mga libro ayon sa kanilang mga genre. Mga sampu na ang aking napili ay bumalik na ako sa sofa at pinatong ang mga napili kong libro sa kaharap kong mesa. Ginawa kong unan ang mga pillows na nandito sa mahabang sofa at nagsimula nang magbasa. Hindi ko na napansin na gumagabi na pala. Dinalhan ako ng pananghalian ng mga katulong kanina dahil may emergency daw na pinuntahan si Dark sa isang kompanya niya.

"Are you not tired reading those books baby? I leave you reading and until now your still reading. Are you that book lovers huh?" aniya ni Dark ng pumasok siya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto kanina subalit tutok siya ng mabuti sa pagbabasa kaya hinayaan niya lang iyon. Naka-uwi na pala si Dark.

"Nandiyan kana pala. Pasensiya dahil hindi kuna pinansin kung sino ang pumasok dahil nawiwili ako sa aking binabasa." paghingi niya ng tawad bago umayos ng upo dahil nakahiga siya kanina.

"Nagugutom ka ba baby?" tanong ni Dark bago umupo sa tabi ko at siniksik ang ulo nito sa leeg ko habang yakap yakap ako nito. Mukhang pagod ito dahil sa paraan ng kanyang paghinga at tamlay ng katawan nito.

"Medyo. Ikaw ba?" balik niyang tanong. Tinignan siya nito bago muling bumalik sa dating posisyon niya kanina.

"I'm hungry baby. Come and let's eat so we can sleep. I really need to rest baby." anito habang yakap parin ako nito.

"Okay. Tayo kana po para makapunta na tayo sa hapagkainan." inalalayan ko nalang siya sa pagtayo at lumabas na kami sa library at nagtungo sa dining area. Halos mapuno ng mga naihandang potahe ang mahabang mesa na parang kasya ang bente katao.

          Kumain kami ng tahimik na ang ingay lang ng mga kubyertos at plato ang maririnig. Sobrang nagustuhan ko ang mga nakahain na ulam kayat napadami ang kain ko kahit minsan ay nahuhuli kong nakatingin saken si Dark. Dedma nalang ako dahil gutom ako eh. Parang okay lang naman sa kanya na kumain ako ng marami dahil ngingitian niya ako.

Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]Where stories live. Discover now