Gaya ng sabi niya niligawan nga niya talaga ako. Parang bumalik ulit kami sa pagiging high school! Sinabi ko rin na napatawad ko na siya, I won’t come home kung galit pa rin naman ako sa kanya.
Nakakapagtataka lang ay nanligaw talaga siya. Akala ko kasi once na mahismasmasan siya ay babawiin na niya ‘yung sinabi niya. Pero hindi dahil nakatulog na siya at kumain na lahat lahat at ganun pa rin ang desisyon niya.
Mabuti naman at nauntog na siya dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa kanya. Atleast he made his move to get me.
“Never had I imagined na lalaki si Maki!” Maarteng sabi ni Pie.
“Pie, he is a guy.” Kate said as a matter of fact.
“Remember he said na may chance na maging lalaki siya ulit if only there is a girl na magpapabalik sa kanya? That girl is just sitting in front of me.”
Hinawi ni Pie ang bangs niya at sandaling nagisip.
“Nevermind! You were probably too drunk at nakalimutan mo na.” Ani Kate at sumimangot si Pie.
“Pero ha! Nagulat ako when he punched that guy straight in the face. Grabe, hindi ko kinaya!” Ani Vivien habang nagtatype sa kanyang phone.
“Er, can’t remember!”
“See that’s what I’m talking about. Pie can’t remember!”
Well, hindi ko rin matandaan. Parehas lang kami ni Pie. Si Viv lang ata talaga ang pinakasober sa amin nung gabing ‘yun dahil siya rin ang may pinakamataas na alcohol tolerance.
“Well Mark never fails to surprise us.” Tawa ko.
Maraming beses na rin niya akong ginulat dahil sa mga ginagawa at sinasabi niya. This isn’t the first but I know this is the best surprise ever! Ang sabihin niyang gusto niya rin ako ay okay na okay na sa akin!
“Okay girls! They are on their way here. Hush!” Kate warned us.
Napalingon ako sa labas at tumikhim nang nakita ko sila sa glass window ng café. “Speaking of.”
Saktong pagpasok nila ay biglang nagsalita si Pie. “I really love your nails!”
“Hey what’s up girls!” Masayang bati ni Gabriel tapos sumimangot. “Tsk ako nanaman ang walang partner!”
“Don’t worry, Gab. I’ll introduce someone to you next time. For real.” Tawa ni Viv.
Tinabihan ako ng upo ni Mark and tinaasan ko siya ng kilay when I felt his arms wrapped around my waist.
“Need I remind you na manliligaw ka pa lang?”
“I know not unless sasagutin mo na ako.” Mark winked.
![](https://img.wattpad.com/cover/26393604-288-k577042.jpg)
BINABASA MO ANG
Project: Make Him Fall (Completed)
Humor"Babae ako" that's what Maki always say. Pero anong mangyayari kung desidido ang kanyang bestfriend na si Lynell na gawin siyang lalaki? But that's not it because she also wants to make him fall for her. The Love Project spin-off