Chapter 8: "Sa puso ko, this is the right way home."

5.1K 137 2
                                        

I’m not the type of girl who gives up easily. For me, when I want something, gusto ko nakukuha ko. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makuha ko ‘yon.

Aasa at aasa ako hangga’t sa nakikita kong may posibilidad na bumalik siya sa pagiging lalaki niya. Kahit konting posibilidad lang. Of course, babae ako . That’s where I’m good at, ang umasa. That’s the problem with us girls, mahilig kaming umasa and the problem with boys naman is mahilig silang magpaasa.

I remembered my conversation with Viv the last time we talked. Ang sabi niya, Mark was hurt big time by someone he loved kaya naisipan niyang magpakabading nalang. That’s what she said.

Sobrang nahirapan si Mark sa nangyari sa kanila kaya he chose to be a gay instead so that he won’t get hurt by a girl again. Pwede pala ‘yun? I mean diba pag gay parang nature na nila ’yun? Mga bading na kilala ko sinasabi nila na pinanganak na silang ganun.

Heartbreak can really change someone, huh. Kakaiba nga lang ‘yung kanya.

I have a mantra in life. Never give up on something you really want. It’s difficult to wait but worse to regret.

'Yan ang palagi kong tinatatak sa utak ko every time I’m on the verge of giving up.

Nung una akala ko madali lang dahil magkasama kami sa isang bubong. And my plan was easy. Gagawin ko lang naman siyang isang ganap na lalaki diba? Ang dali dali diba?

Nabubuhayan ako ng pagasa sa tuwing makikita kong affected siya sa mga lalaking gustong pumorma sa akin o kaya pag naaabutan niya akong nakatowel lang.

Pero mawawala ang lahat ng ‘yun sa tuwing makikita ko siyang may kausap na lalaki. Obvious na obvious na nakikipaglandian siya dito!

Nagexcuse siya sa akin nang mapansin ang lalaking kanina pa sumusulyap dito sa table namin. Kanina ko pa rin ‘yun napapansin dahil napansin ko na siya agad pagkapasok palang namin ni Mark dito sa cafe.

Nakaitim na jacket siya at puting sando lang sa loob. Kahit nakajacket siya ay halatang malaki ang katawan nito. Ito ang mga tipo ng lalaking gusto ni Mark.

Kanina pa sila doon sa labas ng cafe at hanggang ngayon ay naguusap pa rin. What, are they hooking up already kaya ang tagal nila?

Nang mainip ako at mainis ay lumabas na rin ako ng cafe.

Napatigil sila nang makita ako.

"This is Lynell, my-" Hindi ko na siya pinatapos becauseI have a feeling that he is going to say bestfriend.

“Go on, magusap lang kayo. I'm here to say uuwi na ako.”

Bago pa ako makahakbang paalis ay pinigilan ako ni Mark.

“Wait,”

Hinawi ko ang kamay niya sa sobrang inis ko at nagdirediretso. Makipaglandian ka dyan hanggang bukas! 'Wag ka nang umuwi! Bwisit!

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon