Chapter 10: Oops, I did it again

4.7K 140 2
                                    

Sa sobrang excited ko sa outing namin ay halos hindi ako makatulog. Maaga kaming umalis at iniiisip ko pa kung may naiwan ba akong gamit dahil isang bag lang ang dala ko. Puro naman ‘yon swimsuits, shorts at tank top kaya nagkasya kahit na three days and two nights kami doon.

Tatlong kotse ang gamit namin, kotse ni Mark, Kirk at ni Jace. Hindi ko lang alam kung sino ang mga nakasakay sa kanila dahil kasama daw pala ang buong barkada nila.

Kaming dalawa lang ni Mark ang nasa kotse niya at doon na kami lahat magkikita. Isang beach resort ang pupuntahan namin at sakto naman na free silang lahat kaya kumpleto ang barkadahan.

Tanghali nang nakarating kami at malayo palang ay natatanaw ko na sila sa labas ng hotel na hinihintay kami. Ang dami nila! Hindi kaya ay ma-out of place ako nyan?

Niyakap ako nila Kate nang makita ako at napansin kong may maliit na babae pa silang kasama. Kapatid ata ni Jace dahil naabutan ko itong pinagsasabihan ‘to.

Then here comes the problem. Ang hati hati ng rooms. Limang kwarto lang ang napareserve namin dahil hindi naman namin akalain na madami kami.

“One room for us.” Sabi ni Jace at hinila si Viv sa tabi niya.

“Another for us!” Ivan said na sinundan ni Kirk.

Sinamaan naman ng tingin ni Jace si Kevin nang sabihin nitong isang kwarto rin sila ni Aria pero wala siyang nagawa dahil kulang talaga ang kwarto.

Ang isang kwartong naiwan ay para sa aming apat nina Gabriel, Ron at ni Mark. Okay lang naman sa akin pero ako lang talaga ang babae! Tuwang tuwa nanaman panigurado si Mark dahil dalawang gwapong lalaki ang makakasama namin.

“Nevermind. I can pay for another room.” Malamig na sabi ni Mark sabay hila sa akin. “’Wag kang mangarap dyan! You’ll go with me.”

Actually, Mark, tinupad mo na ang kaisa isang pangarap ko, 'yun ay ang masolo ka sa kwarto! Ayy, I'm just kidding!

Nung hapon ay niyaya ako nila Kate na magswimming. Hinayaan na muna namin ang boys sa pagaayos. Buti nalang at puro two piece ang dinala ko dahil maaout of place ako kung hindi kasi lahat sila nakaganon.

White kay Viv, black kay Pie at Aria, pink kay Kate at tiffany blue naman ang akin. We were all enjoying nang dumating ang mga boys. Sabay sabay pa silang naglakad. Seven gorgeous-underwear dropping guys are walking towards us.

Kahit ang ilang babae ay hindi mapigilan hindi mapatingin sa kanila. They were all topless at tanging board shorts lang ang suot.

I was actually pretty surprised dahil nakatopless rin si Mark. Ang akala ko ay magsasando pa siya. Knowing him..maarte 'yan! 

Pinasadahan niya ako ng tingin at nahiya ako nang medyo tumagal ang tingin niya sa may bandang tiyan ko. I would accused him of being a pervert if I didn't know better.

Tinaasan ko siya ng kilay nang magsalubong ang tingin namin at nginisian lang niya ako. Kainis!

"I told you to not wear two piece!" Saway niya sa akin.

"Tss. Don't you know the word appreciation?"

Siya lang kasi ang reklamo ng reklamo samantalang ang iba naman ay walang reklamo na nakatwo piece ang girlfriend nila. Hello, beach 'to! What do Mark expect me to wear? Pajamas?

Nilagpasan ko siya ng lakad at naupo sa upuan sa may tabi. Masisira lang ang mood ko pag inantay ko pa ang sagot niya. Hindi rin naman niya ako sinundan!

"O, pissed again?" Napatalon ako sa biglang nagsalita sa tabi ko.

Nakahiga kasi ako at napikit para makarelax man lang at mawala ang pagkairita ko.

Umirap lang ako at hindi sumagot. Well, it's kinda obvious naman.

"If you don't get up, iitim ka nyan. Sayang naman ang puti mo." Tukso niya sa akin.

Napatayo ako sa kinahihigaan ko at hinarap siya. "Gab, I have a question." Tumango lang siya kaya nagpatuloy ako, "Do you prefer girls wearing two piece or one piece?"

Natawa siya ng bahagya na parang sobrang stupid 'yung question. Well, it does. Kahit naman sinong lalaki, they prefer girls wearing two piece! I want to duh myself for even asking him that question.

"One piece is okay. It doesn't really matter.." Sabi niya, "But damn, two piece, it shows that coca cola body men!" Tinrace pa niya ang coca cola body na sinasabi niya and suddenly became excited with my question.

Napatahimik siya nang mapansing tumahimik ako. "Is that what bothers you? It is." Siko niya sa akin.

"Not really. You know, I hate wearing those ug-" Naptigil ako when I was about to say ugly. "I mean those one piece swimsuits. And Mark..ugh!"

Lalo niya akong tinawanan nung nagrant na ako. Hindi ko kasi mapigilan and I can't help but to compare him with other guys. He is the most weird weird weird guy I have ever known! On the second thought, he is not a guy, claimed by him.

"Alam mo, just wear something you are comfortable with," Ngiti niya sa akin at pinasadahan ako ng tingin, "You have that body! Damn! I would lie if I say hindi ako nasexyhan sayo."

Thank God for Gabriel! If it weren't for him, baka magmukmok na ako buong magdamag!

"Oy! Kayo, a. Nagmomoment na kayo dyan! Tara na bro! Baka magkadevelopan na kayo!" Tawa ni Kevin sa amin.

"Gago! Umalis ka nga dito! Istorbo!" Mura naman ni Gab sa kanya.

Close talaga sila dahil dinig ko ay dating chick boy itong si Kevin bago pa maging sila ni Aria. They were partners in crime!

"Siya na ba? Woo, congrats! Sa wakas!" Sigaw ni Kevin dahilan kung bakit kami nilingon ng iilan sa mga kasama sa amin.

And when I say them, it includes Mark. Hindi ko gusto ang klase ng tingin na binibigay niya sa akin ngayon. He is pissed at me again. I know. The way he combs his hair using his fingers and the way his jaw clenched.

Oops, I did it again.

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon