Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay araw araw ko ring pinoproblema ang pagiging bading ni Mark. Ano ba ang kailangan kong gawin? Madaming pumapasok sa utak ko, thoughts like, antayin ko siyang matulog then I sneak into his room or pikutin ko nalang para mas mabilis. Kaya lang hindi naman tanga si Mark para mapikot ko.
Hindi ko na rin maintinidihan ang sarili ko kung bakit gustong gusto ko si Mark.
Nitong mga nakaarang araw, nakapagisip ako. Parang kay Mark nalang kasi umiikot palagi ang mundo ko. Hindi naman pwedeng ganito kaya naisip kong maghanap ng trabaho. Mas okay na ‘yun kaysa magmukmok ako araw araw sa bahay at magisip ng kung ano ano! Baka isang araw ay mabaliw na ako.
“Are you sure about this?”
“Yup.” Tipid kong sagot habang nakatitig sa laptop.
“Why?”
Ang daming tanong!
“I need a job.” More like I need a diversion.
Nakakunot ang noo niya habang pinapanood akong nagtatype ng CV ko.
“Ikaw ba hindi ka pa magwowork? Aren’t you bored?”
“I don’t need to.” Aniya.
Nakasandal siya sa pader habang nakahalukipkip. Yabang!
“That’s for you. Pero ako, kailangan ko.” Paliwanag ko.
Hindi naman kasi ako katulad niya na magmamana lang ng kompanya at kahit hindi na magtrabaho ay okay lang.
Umayos siya ng tayo at hinarap ako, “Sa mundong ito, tatlo lang ang kailangan mo..” He even enumerated it using his fingers. “Pagkain, pera, at ako.”
Kumunot ang noo ko sa pangatlo. Okay? Bat bigla siyang nasali?
"Well, if you're not sure of the third one, try me." Mayabang na sabi niya.
Kakaiba talaga ang self-confidence ng isang ‘to!
“Sino naman may sabing kailangan kita?”
“Try me, Lynell. Para malaman mo.” Ngisi niya.
“Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo!” Kunyaring pagtataray ko pero ang totoo niyan ay nagpipigil na ako ng ngiti.
Leche yan! Pinapakilig nanaman niya ako sa mga sinasabi niya! Tignan mo sinong maniniwala na bading ang isang ‘to?
“I’m serious. But if you really want, then ipapasok nalang kita kay Dad. What kind of work do you want?”
Napangat ako ng tingin sa kanya, hindi makapaniwala sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Project: Make Him Fall (Completed)
Humor"Babae ako" that's what Maki always say. Pero anong mangyayari kung desidido ang kanyang bestfriend na si Lynell na gawin siyang lalaki? But that's not it because she also wants to make him fall for her. The Love Project spin-off