“Kain na.” I offered pag labas niya ng kwarto niya.
Kinakamot kamot pa niya ang ulo niya. Halatang bagong gising lang siya. By the way, he looks sexy in his sweatpants only!
Nagluto ako ng bacon and eggs for breakfast tapos naghanda ng toast.
Nasabi ko na bang isa lang kami ng bahay na tinitirhan? Yeah, halata naman diba?
Tignan mo kung anong hirap ang kailangan kong pagdaanan every morning! Imagine every morning ko nasisilayan ang abs niya! At never kong nahawakan though I want to. Sino ba naman kasi ang hindi! Jusko! Tignan mo naman kasi ang six pack niya! Ang yummy diba?
Tumikhim siya nang mapansin ang paninitig na ginawa ko. I mentally cursed nang makita ko ang pagngisi niya at agad kong iniwas ang tingin ko. Itinuon ko nalang ulit ang pansin ko sa pagkain.
Shit! Nahuli nanaman niya ako! Yes, nanaman, dahil palaging ganito ang eksena naming tuwing umaga. Hindi na rin ako nahiya dahil sanay na ako at alam ko naman na sinasadya niya dahil alam niyang maganda ang katawan niya! Kung sana ay magt-shirt niya!
Hindi ko na rin nagawang galawin pa ang pagkain ko dahil nabusog na ata ako sa kakatingin kaya uminom nalang ako ng tubig.
“O, busog ka na?” Sabi niya habang kumukuha ng isang toast.
There, he is teasing me again!
Nagiwas ako ng tingin, “Hm.” At sumimsim ulit sa tubig.
Umiling lang siya bago niya kinagatan ang toast niya at sinabing, ”Makatitig ka kasi e!”
Bigla akong nabulunan.
“Ang kapal mo naman! Ang payat mo naman!” Pangaasar ko para makabawi sa pagkahiya.
Bigla niyang binitawan ang toast niya at ngumisi bago tumayo. Sa ngisi palang niya ay alam ko nang hindi maganda ang sunod niyang gagawin. Though I’m not saying na hindi ko magugustuhan.
“Payat pala ha!”
Lumapit siya at pilit na dinidikit sa akin ang hubad niyang katawan. Jusko! I need strength dahil dumidikit sa akin ang abs niya!
I shrieked out loud nung mas lalo siyang lumapit. Gagong ’to! Kahit gusto ko siya ay pilit akong lumalayo.
Nagdasal ako sa lahat ng santong alam ko na sana ay bigyan nila ako ng sapat na self control upang hindi ako matukso at tuluyan nang hindi makapagpigil. Nako baka matuluyan ‘tong si Mark ng wala sa oras at maging instant lalaki na siya!
Step by step naman kasi ang plano ko pero kung gusto niya ay agad agad, who am I to resist.
Really, ako pa talaga ang nagpipigil sa aming dalawa?
BINABASA MO ANG
Project: Make Him Fall (Completed)
Humor"Babae ako" that's what Maki always say. Pero anong mangyayari kung desidido ang kanyang bestfriend na si Lynell na gawin siyang lalaki? But that's not it because she also wants to make him fall for her. The Love Project spin-off