Chapter 26: Saturday Night

4.2K 105 0
                                    

Chips, popcorn, beer, movies.

That would be the best words to describe my Saturday night. I prefer spending my night at home since puro party na ang ginagawa namin and it’s time for some peaceful night, ‘yung walang loud music. 

Before I met the girls, I usually spend my Saturday like this. So I kinda miss it.

But of course my Saturday night won’t be complete without the annoying yet sweet guy around. He insisted on being with me all day and night dahil nanliligaw daw siya at hindi niya daw iiwan ang nililigawan niya. Cheeseballs!

I can say that my mission to make him a ‘guy’ succeeded! And now, I have another mission. That is to make him behave!

“What did I do again?” Painosente niyang tanong sa akin.

“’Yung kamay mo ha!”

We are watching a movie tapos napapansin ko na panay ang stretch niya tapos mamaya ay mararamdaman ko nalang na nasa balikat ko na ‘yung kamay niya. Pag nililingon ko naman siya ay ngingiti lang siya na parang wala siyang ginagawa.

“What's the problem? Wala ka naman problema sa pagakbay ko sayo dati. Why now?”

Nagdadahilan pa talaga siya! Hindi kaya kita sagutin!

“Basically, you’re still courting me, yeah?” I glared at him and that was enough for him to retreat.

“Let’s just watch.” Aniya at sinubuan ako ng isang pirasong popcorn.

Maya maya ay gumagapang nanaman ang kamay niya. Halos mapangiti ako dahil alam kong aakbay nanaman siya pero hinayaan ko lang and acted like hindi ko napapansin ang kamay niya. Gusto ko rin naman kasi! 

I can’t deny that he’s too cute when he’s being like that! Being sneaky and all.

Tinignan ko siya nang naramdaman ko nanaman ang bigat ng kamay niya.

“Akbay lang ayaw mo pa ako pagbigyan! Grabe ka naman!” He pouted at napansin ko na medyo hindi siya nakapagshave.

“You didn’t shave?”

Nagulat ako kasi gusto niya palaging nagshashave. I remember saying that mas gusto ko siya ng ganyan. Indeed, mas gwapo nga siya.

He touched the part that is not shaved and smiled. “Yeah. Ayaw mo ba?”

Umiling ako, “Are you kidding? I like it!”

“I figured I’m hotter this way nang sa ganon sagutin mo na ako. Ano tayo na ba?” Nagtaas baba ang kilay niya at dahil nakaakbay pa siya ay mabilis niya akong nahila palapit sa kanya.

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon