I never got bored kahit na palagi akong nasa bahay dahil kasama ko naman si Mark. It’s either manunuod kami ng tv or lalabas kami. Minsan nagtatalo pa kami kung ano ang papanoorin dahil kahit bakla siya, ayaw niya ng mga chick flicks. Pag sa pupuntahan naman ay maarte pa siya minsan sa lugar.
Ayaw niya kasi sa lugar na madaming kakilala. Ewan ko ba dito! Eh kahit saan naman kami pumunta marami talaga siyang kilala dahil isa siyang event organizer nung college kami at talagang mahilig siyang sumali sa mga organizations noon.
Trip niya lang talaga maginarte at kontrahin lahat ng gusto ko. Ganyan talaga si Mark! Tapos bago matapos ang araw maglalambing naman!
Magbibihis na sana ako nang may narinig akong pumasok sa kwarto ko.
Ano nanaman bang ginagawa ni Mark dito?
Bigla akong may naisip na kalokohan.
Binalot ko ng towel ang katawan ko at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng bathroom. Suot ko naman ang underwear ko kaya okay lang sa akin.
Naabutan ko siyang nilalaro ang cellphone ko habang nakahiga sa kama ko. Hindi man lang niya nakuhang mag-angat ng tingin sa akin. This guy!
Umupo ako at sinimulan kong magayos. Hindi ako magsasalita hanggang sa mapansin niya ako pero natapos na ako lahat lahat hindi pa rin siya nag-angat ng tingin sa akin.
Padabog akong tumayo at lumapit doon sa dulo ng kama.
“Bakit ka nandito?” Iritado kong tanong. Kasi naman bakit ba siya nandito! Wala ba siyang sariling kwarto at wala ba siyang cellphone kung gusto lang niya maglaro?
Doon lang siya nag-angat ng tingin at nakita kong nalaglag ang panga niya nang nakita ako. Nihead to foot niya ako at doon ko lang napagtanto na naka towel pa rin pala ako. Pati ako nakalimutan ko na sa sobrang bwisit ko!
Nabitawan rin niya ‘yung cellphone ko. Good, so my idea is working.
Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi siya sumagot.
“Uh-I-m-magbihis ka muna!” Pautal utal niyang sabi.
Napangisi ako, “Why? Sagutin mo nalang!”
Hinawi ko pa ang buhok at lalong nalaglag ang panga niya. I mentally smiled and thank myself for enrolling to the gym.
“So…”
Nagiwas siya ng tingin sa akin. Finocus niya ang tingin sa mukha ko at pinipigilan ang sariling wag tumingin pababa. Natayo kasi ako habang nakaupo naman siya sa kama.
Hindi siya nagsalita kaya ginawa ko na ang next move ko. Tatanggalin ko na sana ang towel na nakabalot sa akin pero mabilis niya akong pinigilan.
“W-wait! W-what are you doing?” Natataranta niyang tanong.
Nagpatay malisya ako at hinarap ko siya. “Magdadamit? Ano gusto mo, ganito nalang ako forever?”
Nag akma akong tatanggalin ulit pero pinigilan niya ulit ako. Kinagat ko ang loob ng cheeks ko para mapigilan ang sarili kong matawa sa itsura niya. Wala naman talaga akong balak maghubad dito sa harapan niya noh! Inaasar ko lang talaga siya. Kahit naman sabihin natin na bakla siya, lalaki pa rin siya. Basta!
“No! Yes! No, I mean, fine. Lalabas muna ako. I’ll talk to you once you’re done.”
Hindi pa nga ako nakakasagot ay mabilis na siyang lumabas ng kwarto ko. Tinalo pa niya si Flash sa sobrang bilis niya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mapula niyang mukha bago siya nakalabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/26393604-288-k577042.jpg)
BINABASA MO ANG
Project: Make Him Fall (Completed)
فكاهة"Babae ako" that's what Maki always say. Pero anong mangyayari kung desidido ang kanyang bestfriend na si Lynell na gawin siyang lalaki? But that's not it because she also wants to make him fall for her. The Love Project spin-off