Chapter 2: "Pero nakakainis ka pa rin"

7.2K 169 4
                                        

May mga araw talaga na pakiramdam mo tamad na tamad kang bumangon o kumilos. Like now, gusto ko lang humiga buong araw. Lalo na't umuulan sa labas. Cuddle weather sana pero wala naman akong kacuddle.

Hinila ko ang kumot ko at mas lalong binalot ang sarili ko. I love the days wherein I don't have to wake up early because of school. I just graduated and unfortunately, wala pa akong work. Well, not really unfortunate kasi I'm enjoying naman. Tsaka, it's not like walang tumatanggap sa akin but hindi pa ako naghahanap.

On my defense, si Mark rin naman hindi pa.

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagkatok sa kwarto ko. I groaned and shouted. My door is not even locked.

Hindi ko naman kailangan maglock dahil hindi naman basta basta pumapasok ng kwarto ko si Mark. He always knocks. Gaya ngayon, sisirain na ata niya ang pinto ko kakakatok niya.

Hindi ko siya pinansin at nagtakip pa ako ng unan. Ayaw kong tumayo. I'm too lazy for that.

Nakatatlong katok pa siya before he decided to enter. Sinilip ko siya at nakita kong nakapajama pa siya.

"I know you're awake." Nakapameywang niyang sabi bago niya hinila ang unan na pinangtakip ko sa mukha ko.

"Mark!" I groaned, "Ano ba! Hindi mo ba nakikita na natutulog ako?"

"Sorry, pero ang nakikita ko lang ay isang gising na Lynell. So why don't you do me a favor at bumangon ka na?" Mataray niyang sabi.

Siya na nga ang nang istorbo ng tulog, siya pa itong mataray! Aba naman talaga. Lalo akong nanadya at nagtago sa loob ng kumot.

"Lynell." Dinig na dinig ko ang pagbabanta sa boses niya but I still stayed like that.

Hindi mo ko madadaan sa pa-Lynell Lynell mo dyan.

"Isa, babangon ka hindi?"

I mentally shook my head.

"Bakit ang tigas ng ulo mo?"

"Dalawa. Pag hindi ka pa bumangon dyan I will have no choice but to use force on you."

Still, I didn't move.

"Tatlo."

Pagbilang niya ng tatlo ay pinakiramdaman ko siya. I heard him sighed at tumahimik nalang bigla.

Umalis na kaya siya? So, I won? Yes! I can sleep all day. Then pag gising ko pag may energy na ako siya naman ang guguluhin ko. Ha, this is so fun and-

Napasigaw nalang ako bigla. I was swept by someone on my bed.

Nanlaki ang mata ko nang pagkadilat ko ay nasa tapat ng mukha ko si Mark. Literal na nasa tapat. Sobrang lapit niya. I wasn't able to breathe dahil kakagising ko lang and I was conscious of my breath.

Kahit siya ay nagulat sa ginawang paghila sa akin. Inch apart lang ang distance ng mukha niya sa akin at naaasiwa ako dahil gulo gulo pa ang buhok ko at baka may muta pa ako. Pero mas naasiwa ako sa ginawa niyang pagtitig sa labi ko.

Tumikhim ako at agad siyang bumitaw.

"There. Babangon ka rin pala." Alam kong sinusubukan niyang alisin ang awkwardness sa amin pero he failed. Awkward pa rin!

"Hinila mo ko!" Sabi ko, "Bakit ba? Ang aga aga nang gigising ka?"

He just shrugged, "Nothing. Labas tayo?"

"May magagawa ba ako? Wala naman di ba?" Sabi ko bago ko siya pinatabi dahil nakaharang siya sa closet ko.

"Ay ang taray!"

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon