Chapter 7: "'Yang ganda mo, sa akin lang nababagay."

5.7K 153 7
                                        

Nakadami pa akong note galing sa kanya bago ko siya nakita. Notes such as turn left, turn right, mostly instructions and the whole hallway have pictures of us together hanging on the wall.

I’m wearing a black romper na galing sa kanya then a beige doll shoes.  Mabuti nalang at hindi ako nakaheels dahil pagnagkataon tapos pinaikot ikot niya ako, mangangagat na ako sa oras na makita ko siya.

Nakaitim siyang polo shirt, shorts and black shoes and to complete his ‘ootd’, may paper siyang hawak which says ‘sorry’.

He mouthed the word sorry nang magtama ang tingin namin.

“Do you really think madadaan mo ‘ko sa pa ganyan ganyan mo?” Masungit kong sabi.

I need to teach him a lesson. Hindi naman kasi pwedeng palagi nalang ganito. ‘Yung tipong pag may ginawa siyang hindi ko gusto, isang sorry lang niya ay bibigay na ako.

I must admit, I did like the surprise. I was really surprised. Hindi ko akalain na nagawa niya agad ito in a short time. Of course like would be an understatement. I appreciate his effort. Sobra sobra pa nga ‘to. Hindi niya kailangan gawin ‘to but he still did. And for that I’m happy kasi nageeffort siya para lang magkabati na kami.

Okay na okay na sana ang set-up. The outfit and all. Lalaking lalaki. ‘Wag nga lang tumingin sa nakapout niyang labi.

“Sorry na kasi Lynell.” Malambing niyang utas habang papalapit.

Pumirmi ang titig ko sa magkahawak na kamay namin. Kumalabog ang puso ko dahil doon. Alam kong wala lang ito sa kanya but for me, this simple gesture has a lot of meaning. Aasa nanaman ako.

“I just don’t want to see you hurt again. He’s no good-”

“Are you?”

He sighed, “Look, Gabriel is a womanizer. Trust me, I know him too well. He-”

Hinarang ko ang kamay ko to stop him from talking. Seriously, papangaralan pa niya ako. Ang daming sinasabi. Tsk!

He sighed again, “Okay, I’m sorry. Alright? I’m sorry.”

Lalo akong nagmatigas. I’m not mad neither disappointed. Ang gusto ko lang ay lambingin niya ako. ‘Yun lang. Aba naman sympre minsan lang ‘to mangyari! Might as well as sulitin na. Baka hindi na maulit, e.

Alam mo na, may mga times na bading na bading siya umasta tapos may times naman na nagaastang lalaki siya. Ay ewan!

Ang sabi ko magmamatigas ako pero kinain ko lahat ng sinabi ko nang niyakap niya ako galing sa likod. Fuck! He’s forgiven!

Pero kahit anong pilit ko sa kanya ay ayaw niyang magsorry kay Gabriel for being rude. Alam ko naman na wala lang ‘yun kay Gabriel. In fact, he might find it weird if nagsorry sa kanya si Mark.

Pinasadahan ko ng tingin ang lugar. There is a kiddie pool just beside the infinity pool, may cottages rin tapos may dagat sa bandang ibaba. This place is just breathtaking! Pero kanina ko pa napapansin na walang tao!

“Umamin ka! Did you trespass?”

Madilim kasi tapos walang katao tao. Parang hindi naman open ang beach resort na ito pero nagpumilit lang pumasok si Mark. Baka mamaya niyan ay makulong pa kami sa kagagawan niya. Hinding hindi ko siya mapapatawad pag nangyari ‘yun!

Humalakhak siya ng malakas tapos tinignan ako tapos tumawa ulit.

Nothing’s funny right now. We are in deep shit pag dumating ang may ari nitong resort.

“Why are you laughing? Hoy! Wala pa akong boyfriend makukulong na ako? Aba, hindi naman ako papayag. Buti sana kung may boyfriend ako! Oh wait! Hindi pa rin! Oh God! I can’t believe-”

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon