Balik nanaman kami sa dati after nong outing namin. No, actually, hindi pala kami bumalik sa dati. May nag-iba. I can feel it. Sa kanya mismo nanggaling na may pag-asang maging lalaki siya ulit. I should be happy right? But I can’t bring myself to be happy not when he’s acting like we’re not bestfriends!
After the tequila night, mas naging mailap siya sa akin. We were both in the same room but tuwing papasok siya ay didiretso lang siya doon sa couch at matutulog na agad. Sa umaga naman ay hindi ko rin siya naabutan dahil maaga siyang gumigising at hindi ako makahanap ng tamang tiyempo to ask him what’s wrong.
He is acting weird all of a sudden. I’m thinking kung may kinalaman ba ang ginawa ko but that’s impossible! He’s asleep! Unless..
Lasing na kami nang makabalik ng room dahil inubos pa namin ang tequila bago kami nagsibalik sa rooms.
I went straight to the bathroom para makapagayos since sobrang inaantok na ako. Naabutan ko siyang tulog na tulog sa couch. Kakahintay siguro sa akin. I didn’t bother to wake him up since ang himbing ng tulog niya.
I kneeled in front of him while watching him sleep. Creepy na kung creepy pero I love watching him sleep. Ang peaceful kasi niya tignan. Sana ganito nalang palagi. Pag gising kasi siya ay palagi niyang pinapagulo ang puso at isipan ko!
Hindi ko parin makalimutan ‘yung inamin niya kanina!
Hinawi ko ang iilang buhok sa mukha niya at nanatili akong nandon hanggang sa dinalaw na ako ng antok. But before that, I found myself saying something to him.
“Can I be that girl you’re talking about? I like you..No, I loveyou. Too bad, you’ll never gonna love me back.” Then I kissed him on the forehead, “Good night!”
I believed that he is asleep that time kaya ko nasabi ‘yon. But now, damn! What the hell have I done!
Mabilis kong tinext si Viv. Ang sabi niya baka daw Mark is slowly returning in his old self kaya medyo weird siya pero pinabayaan ko nalang. Sana nga ganon. I will throw a party if ever that happened!
Then the next day was okay. He even asked me to dress up and come with him sa isang party. I presumed everything’s slowly getting back to normal. Well, I hope. Hindi kasi ako sanay na iniiwasan niya.
I’m doing my make up when Mark went inside my room. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko not minding him. Baka may kukunin lang siya dito or what.
Naglagay ako ng konting eyeliner at mascara and some powder. Maglalagay na sana ako ng lipstick but I can’t concentrate kasi kanina pa niya ako tinititigan. Hindi ko na nga lang pinansin nung una pero kanina pa talaga. Muntik ko na nga matusok ang mata ko ng eyeliner kakatingin niya!
Nilingon ko siya na nakaupo sa kama ko.
“Are you gonna borrow ba?” I asked. Baka kasi inaantay niya akong matapos para manghiram?
I don’t know. Hindi naman siya ‘yung beks na nagmemake up talaga pero tinanong ko lang.
BINABASA MO ANG
Project: Make Him Fall (Completed)
Humor"Babae ako" that's what Maki always say. Pero anong mangyayari kung desidido ang kanyang bestfriend na si Lynell na gawin siyang lalaki? But that's not it because she also wants to make him fall for her. The Love Project spin-off
