Chapter 1: "Make him fall for you"

13.8K 225 21
                                    

A/N: This story happened after the plot of The Love Project but it's okay if you haven't read it since it's not connected.

xx

Have you ever had a crush on a guy but you aren't sure how to get his attention? Well, based on what I've read, it says to turn tables and ask him out on date.

Kadalasan kasi we always wait for the guy to make a move on us pero naniniwala ako na hindi na uso 'yun ngayon. Like hello? Anong generation na! Panahon pa ata ng lola ko ang maghintay manligaw ang lalaki sa babae.

It also says to not stress too much on appearance which I doubt. Hindi ako masyado naniniwala dito because believe it or not, itsura ang unang titignan ng mga lalaki sa isang babae and vice versa. It's always like that.

But it's not like that for Mark Ian Rodriguez, Maki for short.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako napapansin ni Mark samantalang maganda naman ako, sexy pa, mabait at matalino.

I don't want to call him Maki. That's his other name. Calling him that would mean I acknowledged him as a sister. Alam kong lalaki siya. Hindi siya bakla. At kung bakla man siya, I'll make him into a guy again. He can't be gay! Hindi ako papayag!

Sa gwapo niyang yan! No way, mababaliw ako pag tuluyang siyang mabading.

Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng may gusto sa akin ay siya pa ang gusto ko. Kung bakit ba naman sa dinami dami ng lalaki sa mundo ay sa isang beks pa ako nagkagusto!

How dare I like someone who's more girly than me.

Ang dami kong ginawang distraction sa buhay ko para lang hindi ako tuluyang magkagusto kay Mark pero sa kanya pa rin ang end game.

Trust me, sa dami kong naging kaflings na gwapo, lahat sila wala akong nagustuhan. It's always Mark for me.

At isa pa, kung hindi ba naman cliche itong nangyayari, I'm in love with my best friend!

Yup, I'm in love with my gay best friend.

Kung minamalas nga naman, o! Sa best friend ko pa ako nagkagusto at isa pa siyang beks.

What sort of sin have I done in my past life for me to deserve this in this life?

But,

I will win his heart.

No matter the odds.

Now, where shall I start to make him fall in love with me?

xx

"Lynell!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at sumimangot ako, "Mark, you're late!"

Nagbeso siya sa akin at sinabing, "I told you don't call me Mark."

Medyo nanghinayang pa ako dahil kung alam ko lang na bebeso siya ay sana tumagilid ako ng konti.

"Mark, Mark, Mark!" Pag-uulit ko bago tumakbo papunta sa kotse niya.

Narinig kong nagreklamo siya pero hindi ko nalang pinansin 'yun. Nakakainis dahil kahit bahid ng pagiging lalaki ay wala akong nakikita sa kanya. It's like pinanganak talaga siya para maging sister ko.

Pero pasensyahan nalang dahil pinanganak din ang isang Lynell para gawin siyang lalaki.

"Saan tayo?" Tanong ko nang nagdadrive na siya dahil ang sabi niya kanina ay may ipapakilala siyang mga kaibigan.

I just hope that the friends he is talking about is some girl and not guys! Pag lalaki ay lalandiin ko silang lahat para hindi siya makakuha ng chance makalandi.

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon