Chapter 11: "Meron, kung may babaeng magpapabalik."

4.8K 141 5
                                    

“Walang kalokohan.” Warning ni Jace sa kaibigan.

Ang cute lang dahil boyfriend ng kapatid niya ang kaibigan niya. Isn’t that off limits? Kung sabagay, bagay sila at cute nilang tignan and they seem to be very fond of each other. Gaya kanina nakita kong nagtitigan sila tapos sabay tumawa.

“Hayaan mo na kasi si Aria! Ayan ka nanaman!” Saway ni Viv sa boyfriend.

“Sana may kuya rin ako.” Bulong ko.

“A brother like Jace? Nah, I suggest you change your mind.” Tawa niya. “Pinsan pa nga lang oa na makabakod, kapatid pa kaya? Oh, you’ll die a virgin!” Namula si Jace kaya lalo kaming natawa ni Viv.

Habang nagaasaran ang dalawa ay napatingin ako sa gawi ni Mark doon sa may bonfire kasama sila Kate. Maybe I’ll really die a virgin..

Kanina pa ako hindi masyado pinapansin ni Mark. Kinakausap naman niya ako pero sobrang tipidl ang ng salita niya. I wonder kung galit nanaman ba siya sa akin.

“Tara? Puntahan na natin sila?” Ani Jace.

Umupo ako sa tabi ni Mark para makausap ko siya dahil alam kong galit pa siya sa akin though I don’t know why. Si Pie naman ang katabi ko sa kabilang side at si Viv naman ang sa tabi ni Mark.

Paikot kaming naupo at masayang nagkukuwentuhan nang biglang sumulpot si Ron na may hawak na bote ng tequila.

Of course,kalian ba nawala ang inuman sa mga ganitong outing? That is a must!

“Shots! Shots! Shots! Shots!” Kanta niya habang winawagayway ang bote sa ere.

Agad siyang sinapak ni Gabriel at inasar. “Shot? E, ang hina mo! Talo ka pa nga ata ng mga girls!”

“Pare,” Akbay niya. “Malakas na ako! Shot na nang magkaalaman na!”

“Woah, woah! Hinay hinay lang. Atat ka naman atang matumba?” Ginatungan pa ni Kirk.

Tuwang tuwa ako sa barkada nila dahil hindi uso ang salitang out of place sa kanila. Pakiramdam ko nga kabarkada ko rin sila.

Nagsalin na sa shot glass si Jace at ibinigay agad kay Ron na kanina pa gustong uminom pero pinigilan siya ni Pie.

“Where’s the fun guys? How about truth or dare?” Malawak ang ngiti ni Pie na parang may masamang binabalak. “Isang shot pag natapatan ng bote and another shot pag ‘di nagawa ang dare or ayaw sagutin ang truth! Ano?”

“I’m in!”

Sinimulan na namin ang laro at unang natapatan ay ang kanina pang gustong magshot na si Ron. He chose dare so we asked him to dance for twenty seconds pero hindi lang basta dance dahil sexy dance ang gusto namin.

Tawa kami ng tawa kasi halatang hindi siya marunong sumayaw pero pinipilit niya! Hiyang hiya pa siya dahil vinivideo siya ni Kevin. Ani ipopost daw niya sa Instagram niya.

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon