Just when I thought everything was okay between me and Mark, he always had to ruin it. Bawat kasiyahan pala may kapalit rin na lungkot that's why sometimes I'd rather choose not to be happy because of its consequences. Sabi nga nila, kapag sobrang saya mo, mamaya iiyak ka naman.
But wait, hindi nga pala ako malungkot. I was actually mad. Mad at him!
Ayan, pinilit mo pa kasi pumunta!
Okay, fine. Actually ako ang nagpumilit na pumunta kami ni Mark dito sa college reunion namin. Nagmessage kasi si Elaine sa Facebook kahapon lang. Elaine was our bubbly classmate when we were in college. So she wanted us to have a mini reunion and it’s not mandatory kasi it's up to us naman if we want to go.
I asked Mark if he want to go pero tuamanggi siya. Alam kong gusto ni Mark pumunta pero hindi ko alam why he opted not to go. Pero sympre dahil pinilit ko siya na pumunta here we are.
I really enjoyed the reunion. Bigla kong namiss ang mga classmates ko the moment I saw them. Sa bahay ng isang classmate namin ginanap ang party since sinuggest niya rin ‘yon para wala nang gastos. I swear they cook good food here! Magpaturo nga minsan. Sabi nga nila, the way to a man’s heart is through his stomach!
There prepared games, drinks and of course marami ring chismis na napagusapan. I was with my close friends and he was also with his friends and I was okay with that dahil ‘yun nga ang pinunta namin dito.
Sympre ayaw ko naman na palagi lang siyang nakadikit sa akin. Pero kumulo bigla ang mata ko at automatic na naningkit nang nakita ko sa gilid si Mark at si Elaine!
And here I am. Standing 2 feet away from Elaine and Mark na naguusap. At talagang may nalalaman pang pahampas hampas itong si Elaine kay Mark! Baka gusto niya siya hampasin ko! I know she had a crush on him ever since pero dahil nga gay pa ito dati wala siyang pagasa pero ngayon nalaman niya na lalaking lalaki na si Mark, ayan nanaman siya! Nako talaga!
Ito naman si Mark patawa tawa rin! I like Elaine pero ito ‘yung mga times na hindi ko siya gusto. She didn’t even acknowledge my presence earlier to think na medyo close rin kami dati! If i know pinapansin lang niya ako dati para makalapit kay Mark.
Hindi ko nga alam kung normal pa ba ako dahil sa mga naiisip ko. I was thinking about ways to murder her. And oh, isama ko na rin kaya si Mark!
Akala ko siya ang pinakasensitive guy na kilala ko but it turns out na hindi pala dahil tuwing magtatama ang paningin namin dalawa nagpapacute pa siya like hindi niya nakikita na nagaapoy na ang mata ko sa galit sa kanilang dalawa.
Elaine is very pretty and bubbly kaya mabilis silang nagkakasundo ni Mark. Maraming nagkakagusto sa kanya pero hindi ko alam kung bakit wala pa rin siyang boyfriend! I really like her before pero ngayon bilang babaeng dikit ng dikit sa soon to be boyfriend ko, aba ibang usapan na ‘to!
Kung type rin siya ni Mark edi sana sila na ngayon at hindi sakin ang inaantay ni Mark na sagot. Well, sorry siya dahil ako pa rin ang pinili!
No one touches my man!
Nagsalubong ang kilay ni Mark nang nakita niya akong umalis nalang bigla. I need air, I need to breathe para kahit papano kumalma ako dahil baka makasabunot ako sa reunion na ‘to!
I know I shouldn’t be jealous dahil kahit nung college pa kami at bading na bading pa siya ay close na sila at isa pa, jealousy ain’t new to me kaya kahit sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit selos na selos ako kahit na alam ko naman na close lang sila.
Pero kahit gaano pa ako kakalma, pag tinamaan ka talaga ng selos! Nako! Being jealous shows you care about that person but I also can’t help but to feel insecure about it. I mean marami akong flaws and hanggang ngayon kahit na sinabi na sa akin ni Mark na mahal niya ako nakakaramdam pa rin ako minsan ng insecurites.
“Nagseselos ka nanaman ba?” Natatawa pa talaga siya. Niyakap niya ako galing likuran at nagulat ako dahil hindi ko inakala na susundan niya ako.
Ha, in your face Elaine! Pero hindi ko pa rin siya hinarap para pansinin. I acted like he doesn’t exist in this moment.
“Baby if you’re trying to hide your jealousy, I tell you, you’re not doing a good job at all. But seriously of all people, Elaine?”
Tinusok tusok niya ang tagiliran ko pero wala pa rin akong balak pansinin siya pero ang kulit niya. “Uy nagseselos.”
“Why would I? May dapat ba akong ikaselos?” Malamig kong sabi.
“Nagseselos ka nga.” Humalakhak siya habang hindi pa rin bumibitaw sa akin. Hindi ko alam kung may mga classmates ba kaming nakakakita sa amin ngayon but hell I care. All I care about is him!
“You call it jealousy but I call it fear of losing you!” Hinarap ko siya and almost shouted at him out of frustration at natahimik siya bigla.
Kinabig niya ako ulit palapit sa kanya. “That’s my girl! Let them know I’m yours kasi ako? Matagal na kitang minarkahan na akin. Subukan lang nila na lapitan ka, we’ll see.”
Ang yabang yabang talaga nito!
“And baby? I like how you’re getting good with lines.” At nakikiliti ako dahil nakadikit ang labi niya sa may leeg ko.
“Heh! Tigilan mo nga ako!”
“But I think I’ll like you more kung sasagutin mo na ako.”
Napangiti ako sa sarili ko. Palagi nalang kasi niya nasisingit ang pagsagot ko sa kanya sa mga usapan namin. Kahit kailan talaga walang pasensya ‘tong si Mark sa mga bagay bagay, basta gusto kasi niya ang isang bagay gusto niya nakukuha rin niya agad.
Patience is a virtue, Mark.
“Ay ayaw ko nga! Like lang pala, e.” And with that iniwan ko na siya at pumasok sa loob ng nakangiti.
I think I need to start planning..
BINABASA MO ANG
Project: Make Him Fall (Completed)
Umor"Babae ako" that's what Maki always say. Pero anong mangyayari kung desidido ang kanyang bestfriend na si Lynell na gawin siyang lalaki? But that's not it because she also wants to make him fall for her. The Love Project spin-off