Chapter 29: Yes

5.2K 110 2
                                        

“Stop right there. Hindi ka pwedeng sumama. Girls lang!” Pigil ko nang susundan ako ni Mark palabas ng bahay.

Tinignan niya ako at nanliit ang mata niya sa akin. Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Hinuhuli niya ako. I’m an open book so alam niya kung ano ang sunod kong gagawin but my face remained blank. I can’t spill something to him. Not this time.

“No monkey business okay?” He finally gave up and went back to the house.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag kasi akala ko ipipilit niya pa rin. Atleast mas nabawasan ang pagiging bossy niya. Aba kung ganyan lang siya ng ganyan walang magiging problema sa relationship namin. Pero bago ‘yun, kailangan ko muna siya sympre sagutin.

So I’m going to meet with the girls and we’ll talk about it. Gusto ko kasi siya isurprise. Ayaw ko ‘yung sasagutin ko lang siya na ‘yun na ‘yun. I know it’s the thought that counts pero I want to do this.

“What will be the plan?”

“I can’t come up with a good plan.” Sagot ko.

Ang hirap kasi pag magkasama lang sa isang bahay. Lahat ng galaw ko nakikita niya. Konting pagkakamali lang malalaman na niya agad.

Tsaka hindi ako magaling dito, si Mark ang magaling sa mga ganitong events, e!

“I have something on my mind,” Kate said. “Diba next week is his birthday? Why not sa birthday niya?”

“Sounds good to me.” Pie agreed.

“But that’s too obvious! Sympre birthday niya so natural mageexpect ‘yun ng surprise or something.” Sabi naman ni Vivien.

May point silang tatlo. But I can also use that as an excuse right? Pwedeng kunyari birthday lang niya ‘yung surprise but what he don’t know is that, there is more to that.

That’s it!

I beamed at them. “That suggestion is perfect!”

“Omg! You’re so brilliant!” Nanlalaki ang mata ni Pie nang marealize ang situation.

xx

Actually wala talaga akong kaidiidea kung paano ko ba gagawin ang surprise ko para sa kanya pero bigla kong naalala ‘yung ginawa niya sakin months ago.

The girls and I planned the whole thing in advance pero hindi namin pinaalam sa mga boys dahil baka madulas sila. Nagtatampo na nga ata ang mga boyfriend nila dahil mas madalas kaming magkakasama. Hindi pa naman nila gusto pag magkakasama kami dahil baka kung ano nanamang kalokohan ang gawin namin.

“Akala ni Kirk nanlalalaki na ako!” Pie pouted nung naguusap kami isang beses sa bahay nila. “Do I look like I would cheat on him?”

Sabay sabay kaming tatlo tumango sa direksyon niya at binato niya kami ng unan.

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon