Chapter 6: I will find you

5.2K 132 9
                                        

God knows how long I’ve waited for him to call me his girlfriend. Masaya na ako sa ganun kahit na alam kong hindi talaga ‘yun ang ibig niyang sabihin.

“What?”

Hindi niya ako pinansin at diretso lang ang tingin niya kay Gabriel. Naglalaro ang ngiti sa mukha ni Gabriel na para bang tuwang tuwa sa nangyayari.

“We’re going home.” Malamig na utas ni Mark kay Gab.

Nagkibit balikat lang si Gabriel sa akin at itinaas niya ang dalawa niyang kamay habang umaatras.

Pero bago pa niya ako malampasan ay tumigil siya para bumulong, “Mission accomplished!”

Napangiti ako sa narinig ko. Yeah, indeed.

For now, hinarap ko ang bading na nasa harap ko.

“Where are your manners, Maki?”

Tumaas ang kilay niya bago ngumisi, “Great! So, I’m Maki now. Nakausap mo lang ‘yun naging Maki na ako para sayo?”

“Just so you know, his name is Gabriel. Ga-briel!” Sigaw ko, “Isa pa, ‘di ba you always wanted to be called Maki? Dapat nga matuwa ka pa!”

Naiinis na kasi ako! Sinabi ko na ayaw ko siyang tinatawag na Maki pero minsan hindi ko mapigilan lalo na pag nagiging unreasonable siya! Ang gulo gulo pa niya! Dati ayaw niya ng Mark pero ngayon naman na tinawag ko siyang Maki, galit pa rin siya!

He groaned at hinila ako paalis doon sa dancefloor. Nakasalubong pa namin sila Viv bago kami makalabas.

“Oh, uuwi na kayo? It’s early pa, a?”

“Apparently, your friend here is being unreasonable again!” Irap ko.

“Yes, we’re going home, Pie.” Sagot niya sa kanila at hinila na ako paalis not waiting for their response. Wala talaga itong manners!

Tinulak niya ako papasok ng sasakyan niya at walang pasabing pinaandar ang kotse ng mabilis. Good thing na nagseatbelt ako kung hindi baka kanina pa ako tumilapon sa kalsada!

“I don’t care if you’re mad, but can you drive safely?” Sabi ko. Tumingin lang siya sa akin at bumaling ulit sa kalsada not slowing down.

“Please.” Dagdag ko. That’s when he started driving with normal speed.

“Did you give him your number?”

Kumunot ang noo ko.

“Papasa ba siya sa taste mo?” Tanong niya at kung ano ano pang nakakainis na tanong ang binato niya sa akin.

It’s not like may ginawa akong mali. First, I’m single so pwede akong makipagflirt sa kahit kanino. Second, hindi naman ako nakikipaglandian kay Gabriel! We were just merely talking! Third, yeah, I’m not flirting like what he’s accusing me!

Project: Make Him Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon