"You promised me. I'll pick you up later, alright?" Pangungulit niya sa akin. Pero bago pa ako makasagot ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko kaya agad akong nagpaalam sa kanya.
"Baby?" Tawag sa akin ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.
"Yes mommy?" Tanong ko naman sa kanya kahit alam ko na ang sasabihin niya.
"Hurry up anak. Kanina pa naghihintay sa loob ng kotse ang dad mo."
"Coming mom!" Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil napasarap na naman ang panonood ko ng kdrama kagabi kaya na late ako ng gising. Ugh! First day ko pa naman ngayon sa bagong trabaho ko.
Dahil sa main office ako na assign ay nagsuot ako ng short sleeve wrap dress. Mabilis ko ng tinapos ang paglalagay ko ng lipstick dahil nagmamadali na talaga si dad!
"Bye mom!" Nagmamadali kong paalam kay mommy nang madatnan ko siyang kinakalikot ang mga indoor plants niya. Hinalikan ko siya ng mabilis sa pisngi at nagmamadali nang tumakbo palabas. Bumusina na kasi si daddy!
"Goodluck baby!" Pahabol na sigaw ni mommy kaya kumaway na lang ako sa kanya at sumakay na sa kotse.
"Good morning sir!" Nakangiting bati ng security guard kay daddy nang makapasok kami sa loob ng building. Nginitian naman ako nito nang ipakilala ako ni dad na anak niya.
"Engineer! Siya ba yung sinasabi nyong anak niyo? Ang ganda niya!" Nakangiting tanong sa kanya ng receptionist pagkadaan namin doon.
"Oh hi Bea! This is my daughter, Engineer Jen." At pinakilala niya kami sa isa't isa. Nakapaka friendly din niya at huwag daw ako mahihiya kung may gusto man daw akong itanong kaya nagpasalamat naman ako. Sumakay naman na kami ni dad ng elevator pagkatapos.
Ipinakilala ako ni dad sa halos lahat ng makasalubong niya! Hindi rin halatang excited si daddy na finally magkakatrabaho na kaming dalawa.
"Oh, finally! Welcome to VSDC, Engineer Jen!" Masayang bati ni tito Rob nang makasalubong namin siya ni dad papunta sa office namin. Ang aga naman atang pumasok ni tito! Inumang pa nito ang kanyang mga kamay kaya agad naman akong yumakap sa kanya.
"Hi tito! Oh I'm sorry, I mean Architect!" Sabi ko habang nakayakap sa kanya. Nakalimutan kong nasa trabaho pala kami. Tumawa naman ito at pinakawalan ako pagkatapos.
"I'm glad you're here. Finally!" Masaya nitong turan at saglit pa silang nag-usap ni dad. Pagkatapos nun ay hinatid na ako ni dad sa opisina namin. Ibinilin na lang niya ako sa head namin bago siya umalis.
"If you have any question, you can approach me anytime." Seryosong sabi naman ng head namin sa akin at iniwan na niya ako sa table ko. Maybe she's in her late thirties. Mukha namang mabait pero mukha ding strikto.
Gamay ko naman na ang pinapagawa sa akin dahil sa halos tatlong taon kong pagtatrabaho sa unang kumpanyang pinasukan ko kaya hindi naman ako masyadong nangapa. Busy pa ang lahat at walang nangahas na kumausap sa akin pero may mga patingin tingin naman at ngumingiti kapag nakakasalubong ko ng tingin. Bigla ko tuloy na miss si Bria! Sobra siyang nalungkot nang mag resign ako. Pero alam naman niya mula pa sa simula ang plano ko. Siya naman ngayon ay nagbabalak na mag apply sa Dubai.
"Hi! Ano nga ulit pangalan mo? Oh by the way, ako nga pala si Carlo." Lumapit sa akin ang isa kong ka trabaho nang mag lunch break. Nag-aayos ako ng gamit ko at pupunta na sana ako sa canteen para kumain nang lumapit ito at nagpakilala. Inumang pa nito ang kanyang kamay para makipag shake hands kaya agad ko naman itong tinanggap.
"Jen. Hi Carlo!" Nakangiti ko ding bati sa kanya. Mukha siyang kengkoy at palakaibigan. Maya-maya ay lumapit pa ang iba sa kanila at nagpakilala sa akin. Fifteen siguro kami lahat na nandito ngayon at tatlo lang kaming babae. Nasa site kasi ang iba. Hindi nga lang nag abalang lumapit sa akin ang dalawa at nakita ko pang umirap ang isa sa akin kaya nagkibit balikat na lang ako.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomantikThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish