"Bro, coffee?" Tanong ni Niko kay Rust. Tumango tango lang ito at umayos ng upo.
Pareho pa silang naka formal attire pero naka button dress shirt na lang si Niko at slacks. Tinanggal na niya ang suit niya samantalang si Rust ay naka suot pa ito pero wala ng neck tie at nakabukas ang tatlong butones ng white button dress shirt niya sa itaas. Nanggaling siguro sila meeting dahil balita ko ay mayroon na namang malaking project.
Hindi ko masisi ang mga babaeng napapatingin sa kanila dahil napakakisig nila at mga gwapo. Kahit natatakpan ang katawan nila ng tela ay hindi mo maitatatwa na sa likod nito ay matitigas na muscles. Mahahaba pa ang mga biyas dahil matatangkad sila. Naka brush up ang buhok ni Rust na tila kay..uh wala. Nevermind. Jen, naglilikot na naman ang imahinasyon mo! Girl! Naiinis ako sa sarili ko dahil presensya pa lang niya ay pinanlalambutan na ako ng mga buto.
"Uh ako na, Niko." Sabi ko naman kay Niko nang akmang tatayo siya at mag-o-order. Kailangan kong magising gising! "Ano sa inyo?" Tanong ko pero hindi ako tumingin kay Rust na halatang umiiwas din ng tingin sa akin.
Sigurado akong narinig niya ang sinabi ni Max. Pagkatapos kasi naming mag-usap ng gabing 'yon ay lagi niya akong kinakausap sa text, sa call, at mapa personal kaya naman nakakapagtakang hindi niya ako pinapansin ngayon.
"It's okay, Jen. Ako na." Nakangiti namang sabi niya.
"Ako na para hindi sayang ang time. Madami pa kayong kailangang pag-usapan ni Jaz."
Wala na nga itong nagawa at sinabi sa akin ang order nila ni Rust kaya nagpunta ako ng counter at ako na din mismo ang nag prepare ng coffee nila.
Nang matapos ako ay agad ko nang kinuha ang tray at babalik na sa table. Nagdagdag na din ako ng bread at cake para sa aming lahat dahil meron pa naman kaming drinks.
Nasurprisa naman ako nang tumayo si Rust at marahang kinuha mula sa akin ang tray nang makita niya akong hawak ito. Akala ko hindi na niya ako papansinin.
"Let me." Aniya kaya nagkibit balikat na lang ako at sumunod na sa kanya.
"Jen, you will be my maid of honor!" Masayang balita sa akin ni Jaz nang makalapit kami sa kanila.
"Oh! My pleasure madame!" Biro ko sa kanya. Si Max daw ay sa secondary sponsors niya inilagay.
Muli akong napamaang nang sa tabi ko na siya umupo nang maipatong niya sa table namin ang tray. Mabuti na lang at tila balewala naman 'to sa mga kaibigan namin at patuloy lang silang nag-uusap.
Marahan siyang napabuga ng hangin na tila nagtitimpi kaya bahagya akong napakunot noong napatingin sa kanya. Tumingin din siya sa akin at muling napabuntong hininga nang magtama ang mga mata namin. Dahan-dahan nitong tinanggal ang suit niya at marahang ipinatong sa aking binti!
Inilapit nito ang ulo sa akin at inakbay ang isang braso sa kinauupuan ko. "Your dress is too short." Sabi nito ng marahan sa aking tenga na nagdulot sa akin ng libo-libong kuryente! "It's better when you're wearing pants." Matigas nitong bulong na tila nanggigigil kaya napaawang ang mga labi ko.
Narinig kong napatikhim si Max ng malakas kaya napaayos ako ng upo pero tila balewala ito kay Rust at hindi niya tinanggal ang kamay niya sa kinauupuan ko.
"Jen, help me with the designs ha? Samahan mo'ko bukas dahil may duty si Max." Pakiusap naman ni Jaz kaya umoo naman ako dahil wala naman akong gagawin bukas.
Hindi namin namalayan ang oras ang tumagal pala kami ng mahigit dalawang oras. Kung hindi pa magsasara ang shop ay hindi ko mamamalayan.
"Kayo, kelan kayo magpapakasal?" Mapang asar na tanong ni Max sa amin kaya muntik na akong masamid dahil tamang tama namang umiinom ako ng tubig nang magtanong siya!
![](https://img.wattpad.com/cover/258851754-288-k134521.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomanceThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish