Chapter 14

60 8 4
                                    

"Please take good care of my baby, hijo. Call us, okay?" Bilin ni mom sa amin ni Rust dahil babalik na kami ng Baguio ngayon. Binilin na ako kanina ni dad. Nagmamadali na naman kasi yun kanina papuntang work at may nira-rush daw sila.


"I will po tita.." Magalang na paalam ni Rust kay mom at nakipag beso pa siya.


"Bye mom! Im gonna miss you!" At nagyakap kami ng mahigpit at pinaghahalikan niya ako bago kami tuluyang sumakay sa kotse nila Rust.


Di kami nakisabay kay Niko at Jaz ngayon dahil ihahatid si Rust ng driver nila. Si Rust pala ang tumanggi sa parents niya na magdala ng kotse sa Baguio. Gusto niya daw ma try mamuhay ng simple. Another plus point!



Pagkasakay namin ay agad niyang inabot sa akin ang stargazer lilies bouquet! I was surprised! "Happy first monthsary, babe!My love for you makes me do cheesy things.." He said. He bit his lower lip trying to suppress a boyish grin.



Halos mag melt naman ang heart ko! Naalala niya talaga! Ni di ko nga naisip na first monthsary pala namin ngayon. Corny pero grabe ang sweet! Hindi ko naman napigilan mapangiti ng matamis dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon!



"Aw thank you so much! Happy monthsary! Love you.." bulong ko sa kanya kasi nakakahiya sa driver nila. "Sorry, wala akong gift.."



"Hey..it's okay." Suway niya sa akin. Pero nagulat siya ng panakaw ko siyang hinalikan sa lips. Sana hindi na lang napansin ng driver! Smack lang naman eh.



Hindi na siya nakapagsalita pa at pinisil niya ng bahagya ang chin ko saka niya ako inakbayan.



Dahil puyat ako noong mga nakaraang gabi dahil sa kanonood ng kdrama, ay halos natulog lang ang ginawa ko sa buong biyahe. Minsan sa balikat niya at minsan naman ay sa lap niya ako nakakatulog.



Naalimpungatan ako nang medyo bumagal ang takbo ng sasakyan na tila traffic. Pero di rin ako nakagalaw dahil nakapatong pala ang ulo ni Rust sa balikat ko. Nakaidlip din pala siya.
Naramdaman niya ata na gumalaw ako kaya nagising na din siya.
Nasa Baguio na pala kami.



"Hey.." He said smiling with sleepy eyes and he held me in his arms.



Ngumiti lang ako at gumanti ng yakap.


Dahil ginabi na kami ay hinatid na muna nila ako bago sila umuwi sa apartment niya. Doon muna magpapalipas ng gabi ang driver nila. Nadatnan ko na din si Jaz pagdating ko.



"Hi girlfriend! What time did you arrive?" Tanong ko sa kanya. Nasa sala siya at nag-aayos ng mga gamit niya.


"Two hours ago I think? Si Rust? Kumain ka na?"



"Hindi na din bumaba at kasama niya driver nila. Yup, nag stop over kami kanina sa Pangasinan para kumain. Ikaw?" Humilata ako sa sofa. Mabilis akong mapagod sa biyahe kahit halos natulog lang naman ako.



"Kumain kami ni Niko kanina pagdating namin. Do you want coffee?" Sabi niya at nagpunta ng kusina.


"Hindi na.. Shower lang ako then matutulog na. Isang araw na lang pasukan na naman! Bitin ang bakasyon."


"Hay naku, sinabi mo pa!" Sabi niya at napabuntong-hininga.



Nakakalungkot dahil halos hindi magkatugma ang mga schedule namin ni Rust ngayong second sem. Tapos lalo pa kaming naging busy lalo na siya. Halos every Sunday na lang kami nagkakasama ng medyo matagal dahil pati Sabado ay puno pa din ang shedule namin.



Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon