"Jen!” Magkatabi na nga lang kami, nakasigaw pa siya.
“Oh Michael! Bakit Michael?!” balik sigaw ko naman sa kanya. Natatawa naman siyang napapakamot sa ulo. Nagiging kamukha niya tuloy si Damulag sa Doraemon sa itsura niyang nagkakamot ng ulo. Malaki kasing tao yan, moreno, pero gwapo siya. Dami nga nagkakagusto diyan kaya lang siraulo eh.
Nandito kami sa classroom ngayon at naghihintay ng prof. Solid na din ang samahan naman ng mga ka block ko dahil di na talaga kami naghiwa-hiwalay.
“Di ba wala ka ng boyfriend? Meron kasing gustong manligaw sayo.” Bulong nito pero agad ko naman siyang binatukan.
“Sinong nagsabing wala akong boyfriend at bubugbugin ko?” Kunwaring singhal ko sa kanya.
“Matagal ko na kaya siyang hindi nakikita?” Tanong niya. Nakakunot noo pa ang loko!
“Grabe ka. Malamang graduate na yung tao. Teka nga, bakit ngayon mo lang maaalala yan?” Malapit na nga kami grumaduate pero ngayon lang siya na curious kung bakit hindi niya nakikita si Rust.
“Nakakalimutan ko lang itanong! Pero solid pa din kayo, ha? Nasaan na yun?” Curious niyang tanong.
“Nasa Jupiter, nagtatrabaho.” Biro ko sa kanya. Kahit lagi kami nagsisinghalan nito, biruan na lang namin yun. At sa totoo niyan, sa kanya ako pinaka malapit sa lahat ng mga boys naming mga kaklase.
“Oh? Magandang company ba yun? Doon ka din ba mag-aaply?” Nabatukan ko ulit siya ng mahina dahil halata namang pini-pilosopo niya ako. “Aray! Nakakarami ka na ha? Kung di ka lang maganda Jen, naku sinasabi ko na.” Kunwari niyang banta sa akin.
“Bakit ha? Anong gagawin mo?” Hamon ko naman sakanya.
“Wala! Ikaw pa ba? May gusto nga kasing manligaw sayo. Eh malay ko bang may syota ka pa din.” Dire-diretso niyang sabi. Kung maka syota, wagas!
Nakakatuwa din tong lalaking to eh. Tagal na pala niyang napapansin na hindi na ako sinusundo ni Rust ni hindi man lang siya nagtanong at nag assume na lang na hiwalay na kami. Natawa ako sa loob loob ko. Malapit na kaya kami grumaduate!
Nakakatuwa at kinaya namin ni Rust ang long distance relationship! Noong una nahirapan talaga ako at para akong naho-homesick na hindi ko maintindihan. Halos isang buwan din akong palihim na umiiyak kapag na mi miss ko siya. Pero buti na lang at tinupad niya yung pangako niya na aakyat siya palagi. Yun nga lang hindi kinaya yung talagang ipinangako niya na every weekend. At ako na din mismo ang pumipigil sa kanya dahil halata ko din ang pagod niya. Galing siya ng trabaho tapos magmamaneho pa siya. Tapos pagbalik niya ng Manila, work ulit. Buti sana kung magkalapit lang ang Baguio at Manila kaso malayo-layo din ito.
Apprentice kasi siya sa company nila ngayon. Talagang magsisimula sa pinaka mababa at kailangan din talaga yun bago sila makapag board exam. Dati every weekend niya akong pinupuntahan pero dahil hindi ko siya kayang makita na nahihirapan at pagod na pagod ay naging every two weeks na lang hanggang sa maging once a month na lang. Pero atleast naman di ba? Lalo ko pa siyang minamahal dahil sa effort niya. Saka idagdag na din na sobrang busy ko din ngayon lalo na at nag o-OJT din ako.
“Hoy! Natulala ka na naman diyan!” Pumitik pa siya sa harap ng mukha ko kaya bahagya akong nagulat. Mahahampas ko sana siya kaya lang ay mabilis siyang nakailag.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomansaThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish