Chapter 35

59 8 18
                                    

Kinabukasan ay maaga pa din akong nagising kahit na halos hindi naman ako nakatulog dahil wala akong dalang kotse. Mabilis akong naligo at nagbihis. Miss ko na magsuot ng dress lalo na at napakainit dito sa Manila pero wala akong magagawa dahil sa nature ng trabaho ko.

Nagsuot ako ng skinny jeans at uniform naming pangtaas na white collared shirt na may tatak ng pangalan ng company sa likod. Umupo ako sa sofa at nagsuot ng safety shoes nang maamoy ko pa ang amoy ni Rust! Dito kasi siya umupo kagabi. Hindi pa din ako makapaniwalang nandito siya kagabi at dito pa siya kumain.


“Ah! Jen, tama na yan!” Naiinis kong sigaw at halos mapasabunot  na ako sa buhok ko sa inis. Buong gabi akong hindi pinatulog ng lalaking yun! Hindi pa ba napapagod yun? Dahil siya lang ang tumatakbo sa isipan ko buong gabi! Napailing ako sa itinatakbo ng isip ko. Nakakabaliw!

Nang matapos akong mag-ayos ay agad kong kinuha ang bag ko pero halos mapatalon naman ako sa gulat nang pagbukas ko ng pintuan ko ay mukha ni Rust ang tumambad sa akin! Ano ba? Ganito na ba ako kalala at nag ha-hallucinate na din ako?

“Hi! Good morning.” Nakangiting bati niya. Napakurap naman ako dahil hindi ako makapaniwalang nandito siya tapos ngumiti pa siya, lalo akong hindi makapaniwala! Nagwawala na din ang puso kong traydor!

Naka simpleng tshirt lang siya, maong pants, at tulad ko ay naka safety shoes din pero mukha siyang model ng isang sikat na brand ng pants sa billboard sa EDSA! Bukas, baka model naman ng tshirt? Kasi, Jen, lahat na lang!

“H-hi! Uh..a-anong ginagawa mo dito?” Nauutal kong tanong. Lintik, pati dila ko ayaw makisama.

“Sabay na tayo. Sa site din ako ngayon. Let’s go?” Yakag niya sa akin. Tumaas ang isang kilay niya nang hindi pa din ako kumikilos. “May problema ba?” Tanong niya.

“M-may dadaanan pa ako sa main office eh.” Sabi ko naman sa kanya dahil tinawagan nga ako ni sir kanina at may pinapakuha siya sa office. Nalaman niya kasi na umuwi ako at madadaanan naman ang office kaya nakisuyo siya pero hindi niya alam na wala akong dalang kotse. Hassle kaya nagmamadali ako.

“May dadaanan din ako. C’mon.” Tumalikod na siya at naglakad kaya agad ko na ding sinara ang pintuan ko at sumunod sa kanya. Tahimik lang kami sa loob ng elevator hanggang sa makababa kami sa basement.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayang makaupo sa passenger’s seat ng sasakyan. Nakakailang ang katahimikan kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa tanawin sa labas habang nasa biyahe kami.

Nang makarating kami sa building ay binati kami ng guard pero ngumiti lang ako ng tipid dahil para pa din akong nakalutang sa kawalan. Sabay kaming naglakad patungo sa elevator at madami dami din ang nag-aabang sa pagbukas nito.

“Hi architect!” Bati ng isa sa mga babaeng nag-aabang sa pagbubukas ng elevator kay Rust at gumanti naman ito ng bati na halos ikahimatay naman ng babae sa kilig. Nagsisikuhan pa sila ng mga kasama niya.

Dahil halos puro babae ang papasok sa elevator ay pinauna muna niya ang lahat bago siya sumakay. Napunta ako sa likod at siya naman ay sa harap dahil nahuli siyang pumasok kaya kitang kita ko kung paano kiligin ang mga babaeng to kay Rust! Hindi ko napansing napakuyom na pala ang mga palad ko sa gigil.

“Ang gwapo talaga!” Bulong pa ng isa sa harap ko pero halata namang pinarinig niya ito kay Rust. What a flirt! I rolled my eyes in irritation! Para silang mga high school na nakakita ng gwapo! Halos magsilaglagan na ang mga panty nila sa kilig! Ugh! Naalala ko noon kung paano ako magpigil para hindi masabunutan ang mga babaeng naglalakas loob na lumandi sa kanya kahit na halos magkayakap na kami. Napabuntong hininga ako nang ma realized na wala na akong karapatang magselos kaya sinubukan ko na lang ibaling sa ibang mga bagay ang atensyon ko.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon