“Shall I put him to bed?” Mahinang tanong ni Rust nang matapos na ang movie.
Nakakandong kasi si Aedin at nakasandal sa dibdib niya habang nanonood kami ng movie na gustong gusto niya. Tuwang tuwa siya kanina at nakipag harutan pa sa ninong niya at ginagaya pa niya ang bidang bata na si Russell hanggang sa nakatulog na nga. Hindi pa niya ito agad inilipat at pinatapos na muna namin ang movie.“Yeah.” Mahina ko ding sagot sa kanya para hindi siya magising at baka hanapin na naman ang mommy at daddy niya.
Dahan-dahan naman niya itong kinarga at sinundan ko sila hanggang sa ipahiga niya ito sa gitna ng kama ko. Mabuti na lang pala at binihisan ko na siya ng pantulog kanina habang naliligo din si Rust. Ayaw niya kasing paalisin ang ninong niya kaya nakigamit na rin siya ng banyo.
Nakatingin lang ako sa kanila habang kinukumutan niya ito. Can’t help but wonder..kung hindi ba kami nagkahiwalay dati ay may anak na din sana kami ngayon? Bigla tuloy nag-init ang mukha ko at tamang tama naman na napatingin siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.
“I’ll go now so you can rest too.” Marahan niyang sabi habang nakapaywang ang isang kamay niya at ang isa naman ay isinuklay niya sa buhok niyang kailangan na ng gupit. Lihim akong napangiti dahil ang cute lalo kapag naka ganyan siya. Old habits die hard.
“Ha? Hmm sige. Good night.” Nataranta tuloy ako dahil nakita kong umangat ang labi niya at mukhang napansin niya ang bigla kong pag ngiti.
“Good night.” Sabi nito at tumingin pa siya kay Aedin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Akma namang susundan ko siya nang umungol si Aedin kaya kaagad akong umupo sa gilid ng kama at tinapik tapik siya.
“Mommy..” Humihikbi na siya. Naku, Aedin!
“Shhh don’t cry, baby.”
“I want my mommy!” Umiiyak na talaga siya. Baka nanaginip siya.
“What happened?” Nag-aalalang tanong ni Rust. Akala ko ay nakaalis na siya!
“Baka nanaginip.” Sabi ko naman habang tinatapik ko pa din sa binti si Aedin at kinantahan ko na ng lullaby pero lalo pa niyang nilakasan ang pag-iyak.
“Let me.” Sabi naman niya at kaagad kinarga si Aedin.
“It’s alright.” Pang-aalo nito at isinayaw ‘to. Isinandig naman ni Aedin ang ulo nito sa balikat ni Rust at muling pumikit.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mahina pa din ‘tong umiiyak pero unti-unti na siyang nakakatulog. Lihim naman akong napangiti dahil dinaig pa ako ni Rust sa pagpapatahan.
Nang tuluyan nang makatulog si Aedin ay unti-unti niya itong ibinababa pero hinigpitan nito ang pagkakayakap kay Rust. Baka napagkamalan niyang si Niko kaya ayaw niyang bumitaw.
Napatingin naman sa akin si Rust at tila tinatanong kung anong gagawin niya pero nagkibit balikat din ako dahil hindi ko rin alam. Baka kasi umiyak ulit kapag pipilitin niyang bumitaw sa kanya si Aedin.
“Can I just sleep here?” Mahina niyang tanong sa akin.
“Huh? Uh of course.” Sabi ko naman pero kung makapagwala ang puso ko wagas! Parang hinahaplos ang puso ko dahil para kaming isang pamilya. Bigla tuloy akong naiinggit kay Jaz!
Dahil hindi ko maitago ang excitement ko ay lumabas muna ako ng kwarto at nag ayos ng mga kunting kalat para hindi naman ako masiyadong halata. Pagkabalik ko ng kwarto ay nakahiga na si Rust at nakadapa sa dibdib niya si Aedin. Hindi na talaga bumitaw ang bata. Mukhang ipinagdadamot ang ninong niya ha? Ayaw mo ba ng playmate, Aedin? Napailing na lang ako sa itinatakbo ng isipan ko.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomanceThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish