Chapter 12

63 10 4
                                    

Naalimpungatan ako sa pagdampi ng malamig na bagay sa mukha ko.

"Rust?" Mahinang sambit ko nang makita ko siya at akmang uupo ako pero pinigilan niya ako. Pinupunasan niya ako ng basang towel.

"Hush babe. How are you feeling? So worried about you.." Nag-alala nga ang tinig nito at kita mo din sa mata niya. Nangiti tuloy ako kahit masama pa din ang pakiramdam ko.

"I feel better... because you're here. Please don't leave.." Nakangiti kong sinabi pero ipinikit ko na ang mata ko dahil antok na antok pa din ako.

"I won't, I promise.. I love you." Wika pa nito at tuluyan na akong iginupo ng antok.

Nagising ako kinaumagahan na medyo nanghihina pa at nahihilo pero mas okay na kesa kagabi.

"Hi girlfriend! Good morning! How are you?" Masayang bati sa akin ni Max sabay sapo sa noo ko.

"Feeling better, thankie girlfriend." Napansin ata niya na nagpapalinga ako.

"Looking for someone? Ikaw ha? You did not tell me, kayo na pala ni Ruzt!" She said na parang kinikiliti. "Oh anyway, he went home this morning but don't worry maliligo lang daw ang boyfriend mo! In fairness, hindi ata natulog yun sa pagbabantay niya sayo!" Kinikilig pa nitong dagdag kaya natawa na lang ako.


Hindi nga panaginip yun..andito talaga siya. At binantayan ako buong magdamag.

"Sagutin mo na kasi si Von para happy ka na din.." Biro ko sa kanya at inirapan niya ako ng bongga. The more you hate, the more you love!

After ako i check ng dalawa kong nurse ay agad akong nag freshen up. Paglabas ko ng banyo ay siya namang pagdating ni Rust.

"Good morning babe! Okay ka na?" Sabay sapo ulit sa noo ko. "Thank God!" Sabi nito ng makapa na hindi na ako mainit. Dala lang din siguro ng pagod at puyat.

"Ay wow! Sana all noh?" Malakas namang sabi ni Max. Hay naku ayan na nga si Miss Bitter. Dati kila Jaz at Niko lang yan bitter, dumagdag kami ni Rust.

"Von is looking for you, Max." Sabi naman ni Rust at inginuso ang door. Agad namang napatingin ang huli pero wala naman kaya tinawanan namin siya at pinanlisikan naman niya ng mata si Rust.

"Rust ha?! Nahahawa ka na din sa taong yun! Naku bahala nga kayo diyan." Sabi nito at pumasok na sa kwarto ni Jaz. Naiwan kaming tumatawa ni Rust.

Agad namang bumaling sa akin si Rust at inulit ang tanong niya kanina kung okay na ba talaga ako.

"Hmm medyo nanlalambot lang at nahihilo pero okay na ako. Thanks for taking care of me last night..Baka di ka natulog niyan ha?"

"Natulog ako sa tabi mo.. i was worried sick.."

"Weh? Takot ka kaya tumabi sa akin.." Tudyo ko sa kanya. Nung pangalawang gabi kasi namin dito sa apartment nung may bagyo ay di niya ako tinabihan. Doon siya sa sala natulog kahit anong pilit ko sa kanya. 

"Babe..." Suway nito kaya natawa ako ng bahagya at kinurot siya sa pisngi.

"Grabe... Uuwi kayo lahat?!" Nagmamaktol na sabi ni Max nang mapatambay na naman ang lahat dito sa apartment. Puro kasi kami taga Manila at siya lang ang tubong Baguio. At dahil sembreak ay magbabakasyon muna kami sa mga kanya-kanya naming mga tahanan.

"Malulungkot ka ba Marya? Iuuwi kita sa amin, gusto mo?" Sabad naman ni Von na ikinatirik ng mata ni Max.

"Shut up!" Sagot nito. " I thought we are going to Elyu?!" Baling nito sa amin ni Jaz. Nagmamaktol siya kasi ma bo-bored na naman yan ng bonggang bongga.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon