“Don’t tell me you just woke up?” Tila hindi makapaniwalang tanong ni mommy nang mapagbuksan ko siya ng pintuan.
“Sorry mom, napasarap ang tulog eh.” Nagkunwari naman akong pupungas pungas pa. Dire-diretso naman siyang pumasok sa unit ko at parang sinisiyasat pa ang buong unit ko at pati sa kwarto ay sumilip pa siya.
“I thought you were taking a bath when I knocked a while ago?” Tanong pa nito habang nilalapag ang mga pagkain na binili niya sa table.
Nakahinga ako ng maluwag! Nagising kasi ako bigla nang mag ring ang cellphone ko kanina habang natutulog ako sa unit ni..Rust. And speaking of Rust..bigla tuloy nag-init ang buong mukha ko nang maalala ko ang mga..nangyari kagabi!
“You look flushed. Are you sick?” Nataranta naman ako bigla sa tanong ni mommy. Paano ba pigilan ang pamumula ng mga pisnging ‘to?
“Uh, no mom. I’m starving. Let’s eat?” Sabi ko naman at umupo na ako sa hapag.
Iniwan kong natutulog si Rust at hindi na ako nag-abala pang gisingin siya dahil nga uhm napuyat siya! Hindi ko akalaing tanghali na pala! Kumakatok pala si mommy kanina dito pero dahil nga wala ako ay malamang walang magbubukas kaya bumaba daw muna siya sandali para bumili ng pagkain sa pag-aakala niyang naliligo ako. Kaya naman nagmamadali akong bumalik dito sa unit ko!
“Bigla kang nawala kagabi anak? Hinahanap ka ng daddy mo.” Balewalang tanong niya at nagpatuloy lang sa pag kain.
“Sumakit kasi ang ulo ko mommy kaya umuwi na ako.” Sabi ko naman sa kanya pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso! Tumango tango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Pati si Rust ay hinahanap noong si Chloe..bigla din kasing nawala.” Halos masamid ako sa sinabi ni mom kaya napaubo ako. Inabutan niya ako ng tubig at nanunuring tumingin sa akin. Oh my gosh!
“Ganoon ba? Hmm ang sarap ng pagkain mommy!” Tumawa ako ng pilit para mapagtakpan ang kaba pero sa tingin ko ay wala ding silbi dahil kilalang kilala ako ni mommy! Napabuntong hininga na lang siya at nagpatuloy sa pag kain.
“I’ll go now. I just dropped by to check on you because I got worried.” Paalam ni mom pagkatapos naming kumain.
“Take care, mom! I love you.” Nagyakap kami at hinalikan ko siya sa pisngi.
“I love you, baby. By the way, hindi ka na nakapaghilamos kagabi anak. Baka magka pimples ka.” Sabi nito bago lumabas ng unit ko.
Oh gosh! Agad akong tumakbo sa salamin para tignan ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil though nabubura na ang makeup ko ay hindi naman kalat kalat. Agad na akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo at nagpatuyo ng buhok ay muli akong nakatulog at hapon na nang magising.
Magaan ang katawan kong bumangon kinabukasan at lalo pa akong ginanahan nang batiin ako sa text ni Rust ng good morning! Para akong high school na kinikilig! Hindi ko akalaing mapapansin din ito ng mga katrabaho ko ang maganda kong mood.
![](https://img.wattpad.com/cover/258851754-288-k134521.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomansaThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish