Chapter 7

62 9 0
                                    


Months have passed quickly at diko namalayang ber months na pala! Kaya naman lalong bumababa ang temperature dito sa Baguio.

"Uy ginabi ka girlfriend? Kanina pa kami nag hihintay ni Jaz sayo. Bat di mo na pinapasok si Rust?" Bati sa akin ni Max pagkauwi ko ng apartment. Parang sigurado na siyang si Rust nga ang kasama ko ah.

Well, tama naman siya! Galing nga  kami ng SM ni Rust at nanood ng last full show kaya late na din.

"Gabi na din eh kaya pinauwi ko na." Sabi ko at pasalampak na naupo sa sofa. "Si Jaz?"

"Nagsa-shower. Kaaalis kasi ni Niko." Nakamata lang siya sa akin ngayon kaya napa kunot-noo ako.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Siya namang paglabas ni Jaz na naka bihis na ng pantulog.

"What's the score?" Tanong ni Max at nakikinig din si Jaz. I know what they meant kaya napa buntong-hininga na lang ako.

"Score? Zero." Pilosopong sagot ko sa kanila. Pero sinimangutan nila ako pareho. These girls! Hay!

"Nalilito na ba kayo kasi para kaming mag jowa pero hindi naman?" Tanong ko sa kanila. Sabay silang napatango kaya natawa ako sa mga itsura nila.

"Hay! Kung nalilito kayo, eh di mas nalilito ako! Kasi di naman siya nanliligaw. Malambing siya, sweet, maasikaso at feeling ko naman ay ganun din ako sa kanya. Pero anong magagawa ko, eh wala talaga." Palatak ko.

Minsan nga I mean madalas naiinis na din ako kasi lakas makawalang label ang peg naming dalawa. Never naming napag-usapan! Para na talaga kaming mag boyfriend pero syempre walang kiss. Pero may paakbay ganun. Kaya diko din alam.

"So hahayaan mo na lang na naka bakod na siya sayo pero walang label?" Tanong ni Jaz.

"Ewan ko?" Kibit balikat ko.

"Balita ko dun kay Michael, madami gusto manligaw sayo ah. Pero dahil 'may boyfriend' ka na daw ay di sila makaporma." Dagdag pa niya.

"Gusto mo ba talaga siya? I mean na maging boyfriend?" Tanong naman ni Max.

"Oo naman noh! Di naman ako papayag makasama siya lagi kung wala akong nararamdaman para sa kanya." I honestly said.

"Pag selosin mo kaya?" Agad ding nag agree si Jaz. Nagulat naman ako sa suggestion nila.

"Pagselosin?" Ulit ko.

"Try mong magpaligaw sa iba! Tignan natin kung hindi pa yan kumilos! Aba, 5 months na kayong parang mag jowa ah pero zero pa din? Akala ko nga mabilis siya eh pero naunahan pa siya si Niko." Dire-diretsong sabi ni Max.

Di ako nakapalag kasi totoo naman. Kaya pumayag na lang ako sa plano ng dalawa. Pero sino naman ang papayagan kong manliligaw sa akin? Eh di pinaasa ko naman yung tao?! Kaya napagkasuduan namin na kaibigan nila na lang ang kunwaring manliligaw sa akin. Si Dexter!


Patingin tingin lang siya sa akin at nagtataka siguro kasi kanina pa ako busy sa cellphone ko kaya hindi ko siya kinakausap. I don't usually use my phone kasi kapag magkasama kami. Pero syempre iba ngayon.

Diko din namamalayan na napapangiti na pala ako dahil sa mga corny jokes ni Dexter na game na game din sa pagkukunwari namin. Nursing student din siya at kaibigan ni Jaz at Max. Gwapo si Dex at maputi. Pero syempre mas gwapo tong kasama ko ngayon.

"Don't you have any assignments today, Jen?" Basag niya sa katahimikan. Nakatambay ulit ako ngayon dito sa unit niya. Pero sa mga susunod na araw ay kailangan ko munang umiwas. Tignan ko nga kung tatalab ang plano nung dalawa. "Jen." Untag niya ulit dahil kunwari pre occupied ako.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon