Chapter 28

56 4 6
                                    

“What?” Nakasimangot niyang tanong at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.


 

“You heard me right. It’s a good opportu..” Hindi na niya ako pinatapos sa sinasabi ko.

“Fine. Only if you will go with me.” Nanghahamon niyang sabi. Ako naman ang napabuntong hininga.

“You know I can’t.” Nakakunot noo kong sabi sa kanya. Alam naman niyang meron akong kontratang napirmahan.

“Then I will not go.” Tumingin ulit siya sa wrist watch niya.

“Why?” Napalakas na ang tono ng boses ko dahil umiinit na ang ulo ko at alam kong ganun din siya.

Napabuntong hinga ulit siya at isinuklay ang isa niyang kamay sa buhok niya. “I will not leave you here.”

Napatawa ako ng pagak. “Rust, growp up! This is for you!”

“Why do I have this feeling na gustong gusto mo akong umalis? So you can be with that asshole? Is that it? Huh?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya literal akong napanganga!

“W-what did you just say?” Manghang tanong ko sa kanya at halos manginig ako. Pinagbibintangan niya ba ako?

Bahagyang lumambot ang mukha niya at magsasalita sana siya nang biglang nag ring ang cellphone niya at agad naman niya itong sinagot. “Hello, Architect? Yes, Im on my way.” Sabi niya sa kausap niya.  “I have to go now.” Tipid nitong sinabi sa akin at hinalikan ako sa pisngi na akala mo ay walang nangyari.  Para akong natuod sa kinatatayuan ko kahit nang makalabas na siya ng unit niya.

Hindi ako makapaniwalang pinag-iisipan pala niya ako ng ganun. Huh! Iniisip ko lang naman na maganda ang opportunity na yun para sa kanya lalo pa at isa siya sa aasahan ng company nila baling araw. Kaya nga sobrang nadisappoint ang parents niya nang di niya ito tanggapin! At isa pa, alam kong gustong gusto niya yun dahil passion niya eh. Hindi siya magiging ganito ka busy kung hindi niya gusto ang ginagawa niya.

“Mukhang wala ka na naman sa mood, engineer.” Sita sa akin ni Bria.

It has already been days since the last time we talked about the Singapore thing. Hindi ako umuuwi sa condo dahil bukod sa busy ako, alam ko naman na mas busy pa siya. Tumatawag lang siya to check on me every day pero saglitan lang. Wala  na nga siyang time para huminga, sa akin pa kaya magkaka time yun? Tapos sasabihin niyang hindi niya ako maiwan?

Napabuntong hininga naman ako sa tanong ni Bria. Naging mainitin ang ulo ko lately dahil sa sitwasyon namin ni Rust. Gusto ko pa din siyang kumbinsihin pero hindi ko na alam kung papaano. Lalo na at nabalitaan ko kay tita Rachel na nai-stressed si tito Rob dahil diyan.

“Wala to. Kumain ka na ba?” Anong oras na pala pero hindi pa ako nag la-lunch.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon