Chapter 31

57 8 18
                                    

"Uy natulala ka na naman diyan? May problema ba?" Usisa ni Greg kaya napakurap ako, lalo namang nangunot ang noo nito.

"Engr. Ronquillo, paalis na yung kakausapin mo kaya puntahan mo na daw." Untag naman sa akin ng isa pa naming katrabaho.

"Rod, pwede bang ako na lang?" Maarteng sabad ni Scarlet kaya nagulat ako at nag presenta pa talaga siya. Kilala ba niya si Rust?

"Sorry pero si Jen yung inutusan eh. Ayokong ma boldyak kay boss." Sagot naman nito. "Tara na Jen, ihatid na kita sa office niya."

"U-uh pwede ba akong mag restroom sandali?" Tanong ko sa kanya at agad naman itong tumango.

Mabilis akong nagtungo ng restroom at agad na nagsalamin. Halatang kinakabahan ako dahil namumutla ako! Agad ko namang hinalungkat ang bag ko at inilabas ang compact powder ko at agad akong nag retouch. Naglagay din ako ng kunting blush on at lipstick. Tinignan ko din ang above the knee kong dress at okay pa naman. Napabuga ako ng malalim buntong hininga.

Inaayos ko ang short bob kong buhok nang biglang bumukas ang restroom at pumasok si Scarlet at Margaret. Magkatunog ang mga pangalan nila pati ugali. Nakita ko sa salamin na tinaasan nila ako ng kilay. Para silang mga bully sa high school. How immature! Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ko dahil wala namang bago.

"Kilala mo ba si Architect Smidth?" Narinig kong tanong ni Margaret. Hindi ako umimik dahil hindi ko naman alam na ako ang kinakausap kaya nang matahimik sila ay napatingin ulit ako sa kanila sa salamin. Nag reretouch na din sila ngayon pero sa akin sila nakatingin.

"Kinakausap niyo ba ako?" Tanong ko naman sa kanila. Napatigil naman sila sa ginagawa nila at nakataas ang kilay na tumingin sa akin.

"Yes? Do you know him?" Si Scarlet naman ang nagsalita. Aba sila na nga ang nagtatanong, sila pa ang mataray? Tumingin pa siya sa akin mula ulo hanggang paa. Itinigil ko din ang ginagawa ko at lumingon sa kanya. Ginaya ko din ang ginawa niya at tinignan ko din siya mula ulo mukhang paa. Ay mula ulo hanggang paa pala! Napangiti tuloy ako sa naisip ko kaya lalo siyang napasimangot. Napakaiksi pa ng black pencil skirt niya na hapit na hapit at blouse na halos pumutok na sa lusog ng dibdib niya. Maganda ba siya? Maganda..ako. Lalo naman akong napangisi sa mga pumapasok sa isip ko kaya halos hindi na maipinta ang mukha nilang dalawa ngayon. Sigurado akong may gusto kay Rust ang nga babaeng ito. Nagkakamali sila ng tinatarayan.

"Uh-huh..kilalang kilala. Bye girls!" Nakangisi kong sabi sa kanila at kinindatan ko pa sila bago ako lumabas. Kahit paano nawala ang kaba ko dahil sa dalawang babaeng yun.

Naramdaman ko na lang ulit ang pambihirang kaba nang makasakay kami ni Rod sa elevator paakyat sa office ni Rust.

"Jen, ayan ang office ni Architect. Tumuloy ka na lang. Aalis na ako ha?" Paalam niya sa akin at itinuro lang ang office ni Rust!

"H-ha? Akala ko ba sasamahan mo'ko?" Natataranta kong tanong sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.

"Uh, hinatid lang talaga kita kasi mukhang hindi mo alam kung saan ang office niya. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi naman nito kaya tumango na lang ako. Humingi pa siya ng paumanhin bago umalis.

Ako naman heto.. halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko papunta sa opisina niya. Kaya mo yan Jen! Ikaw pa ba? Huminga ako ng malalim bago ako humakbang patungo sa office niya.
 

"Yes, how may I help you?" Nakangiting tanong sa akin ng isang petite na babae na may matinis na boses nang makalapit ako.

"U-uh dito ba ang office ni Architect Rustan?" Nauutal kong tanong.

"Yes po ma'am! May kailangan po kayo?"

"Taga engineering department ako at inutusan ako ni Engr.Gascon. M-may kukunin lang ako." Ano ba yan Jen, bakit ka ba kabang kaba?

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon