Chapter 36

56 8 13
                                    

"Ay sir, hindi po dito yan. Sa kabilang cinema po kayo." Sabi ng guard sa amin nang papasok na sana kami.

Agad ko namang kinuha ang ticket sa guard nang iabot niya pabalik sa amin at tinignan ito. Hindi na kasi tinignan ni Rust dahil dito naman ipapalabas yung pinili kong movie.

I wanted to pull Von back here and lock him inside the movie theater with all his exes when we looked at the ticket! Ugh!

Ang magaling na lalaki, pinamili ako ng gusto kong panoorin kaya sci-fi ang pinili ko pero lintik at romance naman pala ang binili! Hindi lang basta romance dahil tungkol lang naman ito sa mag ex! Ah Von, humanda ka talaga!

Pinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko dahil bigla akong na tensed! Napaka awkward naman kasi. Napansin ni Rust ang pagiging uneasy ko.

"Ayaw mo ba? We can buy another ti-"

"No, it's okay. Sayang naman." Sabi ko naman. “How about you? Is it really okay that we’ll watch a movie together? Baka naghihin-“

“The movie’s about to start. C’mon.” Hindi na ako pinatapos nito at hinawakan na ako sa bewang at iginiya sa kabila kaya wala na din akong nagawa kundi magpatianod. Gusto ko sanang magkunwari na ayoko at magpakipot pero ang jologs lang. Gusto ko naman eh. Ito na 'yong ugali kong kinatatakutan ko din minsan. Hindi ako marunong magpakipot! Pero kay Rust lang naman dahil siya lang naman ang lalaki sa puso ko.

“Careful.” Paalala nito sa akin nang umaakyat kami sa taas. Ganitong ganito din siya dati na todo kung makaalalay. Natutuwa ako na naiinis. Natutuwa dahil gustong gusto ko ‘to pero naiinis dahil aware naman ako sa katotohanang walang kami.

“Thanks.” Sabi ko sa kanya pagkaupo ko.

Hindi naman nagtagal ay nag-umpisa na ang pelikula. Isa itong tagalog movie ng isang sikat na love team sa henerasyon ngayon. Tahimik lang kaming nanonood at bahagya akong nati-tense sa mga sweet moments ng magkasintahan dahil dalang dala ako. Naiyak din ako nang maghiwalay sila dahil napagod ang isa. Napagod umintindi. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at muli akong napatanong sa isipan ko.. kasalanan ko nga ba? Napagod ako at nang handa na akong sumugal uli..huli na ang lahat. Pero huli na nga ba ang lahat?

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nanonood at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman o naiisip niya ngayon. Nasaktan ko siya..pero ginawa ko lang ‘yon dahil mahal na mahal ko siya. Gusto kong haplusin ang mukha niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong makulong muli sa mga  braso niya. Gusto ko akin lang siya. Posible pa ba? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya agad akong yumuko at nagpunas ng luha.

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. “Are you okay?” Marahan niyang tanong sa akin sa tapat ng tenga ko. Magiging okay lang ako kapag sa akin ka na ulit. Malungkot na wika ng puso ko. Drama, Jen? Ugh!

“Yeah. Nadala lang sa eksena.” Sabi ko naman at marahan akong tumawa para mapagtakpan ang lungkot sa tinig ko. Nakatingin siya sa akin at tila nananantiya kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi niya tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.

Pwede bang kahit ngayon lang, kunwari kami pa. Kunwari walang problema. Kunwari masaya kami sa isa’t isa. Kunwari wala siyang..wala siyang ibang mahal.

Bahagya siyang napakislot nang isandig ko ang ulo ko sa balikat niya.Naramdaman ko naman ang paghigpit ng akbay niya sa akin kaya lihim akong napangiti.



“Minsan iniisip ko, what if we held on and rode the tide together? Makakarating din kaya tayo kung nasan tayo  ngayon?” Tanong ni Primo, ang bidang lalaki sa pelikula. Their breakup just made them better and they both grew and matured as a person so I guess it happened for a reason..and for their own good. In the end sila pa din because they’re destined to love each other..until eternity. 

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon