“I love how the moon and the sea complement each other. It gives me a perfect serene vibe.” Marahan at nakangiti kong sabi habang nakatingala sa bilog na buwan.
Lalo pa akong nagsumiksik sa braso niyang nakaakbay sa akin habang nakaupo kami sa dalampasigan at pinapanood ang dagat at ang buwan.
I’m in love with the moon ever since just how I am.. to him. Ganito pala ang umibig ng lubusan..hindi ito kailanman magmamaliw. Katulad na lang ng karagatan at ng buwan na paglayuin man ng mga bagyong dumadaan ay alam nilang hindi ito mananatili at muli nilang masisilayan at masusumpungan ang isa’t isa. Malungkot na para bang hindi kompleto kung hindi nila masisilayan ang bawat isa pero may pag-asa na sila’y muling pagtatagpuin ng tadhana.
“Hmm..” He agreed. “They just don’t look good together but I think they need each other as well.” Malambing niyang sabi.
Kaya nga napakagandang tanawin ang paglubog ng haring araw dahil ramdam mo ang pagkasabik ng muli nilang pagkikita. Kung hindi kalmado ang dagat dahil sa kaligayahang dulot ng buwan ay nagsayayaw ito sa pamamagitan ng malalakas na alon sa ilalim ng liwanag nito. Pero kapag wala ang liwanag na nagmumula dito sa madilim na gabi, para itong walang buhay. Malungkot. Kaya tama siya.. kailangan nga nila ang isa’t isa.
Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya napatingala ako sa kanya at nagtama ang aming mga paningin sa ilalim ng malamlam na liwanag na dulot ng buwan.
“You’re just like the moon to me. It may sound cliché but without you.. I don’t find a single reason to be happy. I need you just how much the sea needs the moon.” Ngumiti siya ng tipid sa akin at marahan niya akong iniharap sa kaniya. “I love you.” Masuyo niyang sinabi at marahan akong hinaplos sa aking pisngi.
Nginitian ko siya ng matamis at tumingin ako sa kanyang mga mata. “I love you, Rust. I always do.” Marahan kong sabi sa kanya at ni hindi ko namalayan na napaluha na pala ako.
Masayang masaya ako. What I am feeling right now is simply ..magical.
Kaagad naman niya akong dinala sa kanyang dibdib at niyakap ng mahigpit. Hinawakan niya ako sa aking batok at hinalikan sa ulo. Paulit-ulit niya ding idineklara ang pag-ibig niya sa akin.
“Babe.. Finally, I can call you babe.. again.” He chuckled but his voice broke.
“Yeah. I missed you..babe.” Malambing ko ding sabi sa kanya at lalo pang nagsumiksik sa dibdib niya.
We just sat there as we cherished the moment..under the moonlight. Can we just stay like this forever?
“Wake up, sleepyhead!” Napamulat ako sa napakaingay na boses ni Max.
Napaungol lang ako at tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Inaantok pa ako.
“Aba, napuyat ka yata ah? Alas diyes na po at nagugutom na ako.” Maarte nitong reklamo.
Kaagad naman akong napabalikwas ng bangon nang marinig ang oras kaya kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table at tinignan kung totoo nga ang sinabi ni Max.
“Oh ‘di ba?” Sabi niya sa’kin nang nakahalukipkip.
Nakaligo na nga siya at bihis na bihis na. Nag-inat naman ako at ilang beses pang naghikab. Napasarap talaga ang tulog ko kahit na hindi naman ako gano’n kapuyat. Bumalik na din kami agad ni Rust sa mga kanya-kanya naming room kagabi dahil malamig na nga.
“Ba’t ngayon mo lang ako ginising?” Tinatamad at inaantok kong tanong sa kanya. Tanghali na nga!
“Kanina pa po kita ginigising pero sarap na sarap ka sa pagtulog.” Sabi niya at minadali na niya ako dahil kumakalam na daw ang sikmura niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/258851754-288-k134521.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
Storie d'amoreThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish