Chapter 10

84 13 16
                                    


Buti na lang nakasakay na kami ng taxi bago bumuhos ang napakalakas na ulan!

“Naku, mukhang malakas ‘tong bagyong ito ah!” Napapailing na saad ng taxi driver.

“Ho?! May bagyo po ba Manong?” Napatanong ako dahil wala na akong alam sa mga balita! Medyo gloomy nga kanina pero parang normal na kasi dito sa Baguio ang ganun.

“Ay di nyo ba alam? Signal number 1 na kanina pero nag update ang PAG-ASA at signal number 2 na daw.  Sana di na lumakas pa ito ano?” Sabi naman niyang napapailing.

Nagkatinginan naman kami ni Rust na parehong walang idea na may bagyo. Diko kasi nahaharap mag cellphone lately at busy sa mga plates.

“Do you have an umbrella?” Tanong ni Rust nang medyo malapit lapit na kami. Di ako nagdadala ng payong!

Nang umiling ako ay agad niyang hinubad ang jacket niya at ipinatong sa ulo ko.

“Manong, sa tabi na lang po. Salamat po.” Nauna siyang bumaba pagkabayad niya at inalalayan ako.

Inayos niya ang jacket niya sa ulo ko at inakbayan ako at sabay kaming tumakbo nang mabilis papasok sa apartment.

“Basang basa ka, Rust! Maligo ka na agad ha? Akin na bag mo, baka basa na din mga damit mo sa loob?” nag-aalala kong sabi.

“Okay lang ako. Ikaw, hindi ka ba nabasa?” Tanong niyang nag-aalala at hinawakan pa ang damit ko kung nabasa. Kunti lang naman kasi tinakip niya sa akin ang jacket niya. Siya ang basa talaga. Ganun kalakas yung ulan!

“Do you have an extra towel babe?” Tanong niya.

Sinuklay niya ang kanyang buhok pataas gamit ang kanyang kamay at saka niya hinubad ang basa niyang  tshirt. Napalunok ako at naestatwa. Oh-my-golly wow!  Why so sexy, babe?

“Babe?” Nagtataka niyang tanong  ang nagpabalik sa akin sa katinuan.

“A-uhm yup, wait lang.” Agad akong tumalima dahil mukha akong timang.

Wala siyang nagawa nang ipilit kong mauna na siyang maligo at nagpalit naman na kako ako ng shirt.

“Rust, what do you want for dinner? I’ll cook.” Sabi ko sa kanya habang nasa bathroom siya . Magkatabi lang ang kitchen namin at bathroom.

“Pork sinigang?” Patanong naman niyang sagot mula sa loob.

“Sige.” Nilabas ko mula sa freezer ang pork at prinepare ko na ang mga ingredients.

Habang naghihiwa ako ng kamatis ay siya naming paglabas niya. Nakatapis lang siya ng towel sa waist niya. Ano ba yan babe, kanina ka pa ah!

“Babe, I’ll be the one to cook. Shower ka na, bihis lang ako.” At dumiretso na siya sa room ko para magbihis.

Magluluto siya? Nagkibit balikat na lang ako at tinapos kong iprepare lahat ng kakailanganin niya sa pagluluto. Pumasok ako sa kwarto after para kunin ang towel ko. Nakabihis na siya ng white tshirt at black cotton shorts. Fresh na fresh ang baby! Sarap pupugin ng halik! Oops just being honest!

“I’ll just get my towel.” Sabi ko sa kanya nang mapatingin siya sa akin. Napataas lang siya  ng kilay.

“Babe, please don’t wear oversized shirt tonight. Wear pajamas...and a jacket. Its..uh..cold.” Sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa akin.

Ako naman napataas ang kilay. Well, I don’t wear pajamas so I don’t have one. Sorry babe!

Lumabas na siya at dumiretso sa kitchen. Di pa din ako makapaniwalang siya ang magluluto kasi usually si Niko ang pinagluluto nila lagi kung hindi ako. Kung nagluluto man siya ay mga prito lang.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon