Chapter 42

63 8 10
                                    

"What do you need?" I asked him coldly when we got in his car.


"Let's talk somewhere." Sabi lang nito at nagsimulang paandarin ang sasakyan kaya wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga.

Hinayaan ko na lang siya kung saan man niya ako dadalhin dahil tama siya. I also really want us to talk properly because I want to end whatever we have for me to finally.. move on.

Kung hindi ako nagkakamali ay papuntang Tagaytay ang tinatahak namin. Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating kami at itinigil niya ang sasakyan sa isang restaurant.

"I'm starving. Let's eat first." Sabi nito na parang maamong tupa nang mapatingin ako sa kanya. Itinikom ko na lang muli ang bibig ko.

Mabilis siyang nakababa at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at magkaagapay kaming naglakad patungo sa loob ng restaurant.

"Good evening ma'am, sir." Nakangiting bati sa amin ng guard.

"Table for two sir? Gusto niyo po ba sa labas para mas romantic po?" Nakangiti namang salubong sa amin ng waitress. Tumingin naman sa akin si Rust pero nagkibit balikat lang ako at hinayaan ko na lang siyang magdesisyon.

"Yes, please." Pormal naman nitong sagot sa waitress na halata namang nagpapa cute sa kanya. Iginiya kami nito sa veranda ng restaurant na sigurado akong tanaw ang Taal lake kapag maliwanag pa.

Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na hangin na sumalubong sa amin pagkalabas. Agad naman akong ipinaghila ng upuan ni Rust at tila nag-aalalang tumingin sa akin kaya nagpanggap na lang ako na balewala ang ginaw.

"Here's the menu ma'am, sir." Nakangiti pang sabi ng waitress at inabot sa amin ang menu. Nag crave ako bigla sa steak dahil na din siguro sa gutom kaya 'yon ang sinabi ko kay Rust nang tanungin niya kung anong gusto at may mga dinagdag pa siya. "I'll be right back, sir." Sabi naman nito nang makapag order kami at mabilis nang tumalima.

"Are you cold? I'm sorry, I'll just get my jacket in the car. Will you be okay here?" Heto na naman tayo sa sweetness overload. Paano ako mag mo-move on?! Hingang malalim, last na talaga to!

"I'm okay. Huwag ka nang umalis." Seryoso kong sagot sa kanya pero parang gusto pa din niyang tumayo sa itsura niyang alumpihit.

"Or shall we just move inside-"

"Okay lang talaga ako." Sabi ko na lang sa kanya at umaktong balewala ang lamig. Mas okay na din dito sa labas dahil mas kaunti ang mga tao at mayroon kaming privacy para makapag-usap.

"How are you?" Masuyong tanong nito makalipas ang ilang sandaling katahimikan.

"Good." Nakataas ang isang kilay kong sagot. Sandali lang akong nag-angat ng mukha at muling ibinaling ang atensyon ko sa cellphone ko dahil naglalaro ako ng word puzzle. Kailangan ko ng distraction dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya. Traydor pa naman at marupok ang pusong 'to. Ugh!

"Glad to hear that." Tumikhim ito at alumpihit pa din sa kinauupuan niya.

Gusto ko na sanang makapag-usap na kami pero baka hindi na naman ako makakain kaya pinigilan ko muna ang sarili ko. Kumakabog na nga ng malakas ang puso ko dahil parang hindi ko kayang isipin na matatapos na talaga ang lahat sa amin sa gabing ito. Napahinga ako ng malalim dahil kailangan ko nang kayanin.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na ang waitress at isinerve ang mga pagkain namin. Tahimik lang kaming kumain at napapansin kong panaka-naka siyang tumitingin sa akin. Grabe ang pagpipigil ko sa sarili kong tumingin sa kanya pero hindi pa din talaga maiwasan at nag-iiwas na lang ako ng tingin kapag nagkakasalubong ang mga mata namin.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon