"You looked sad." He said while we were eating our lunch at his apartment."I am." I answered with a small voice.
Eh sa malungkot talaga ako dahil magkakahiwalay na kami. Graduation na niya next week. And he will be going back to Manila soon. Doon naman talaga ang buhay namin. Samantalang ako ay mag-i-stay pa ng isang taon dito sa Baguio.
Napabuntong-hinga siya at inabot ang kamay kong nakapatong sa mesa. "We have already talked about this di ba babe?" Malambing niyang sabi.
"I know.. Di ko lang mapigilang malungkot." Malungkot akong ngumiti.
The past months have been amazing! We studied together, ate together, travelled around Benguet and nearby places together, and did so many things together. So it will really be hard for me to adjust.
He gently pinched my chin and smiled sweetly. "I will visit you every weekend."
Nanlalaki ang mga mata kong hindi makapaniwala. "Yung totoo?"
Natawa naman siya sa reaction ko. "You heard me right!" Ngiting ngiti niyang sabi.
Napatayo naman ako bigla at dinamba siya ng yakap. "Wala ng bawian yan ha?" Naluluha ko pang sabi. "Mag promise ka muna." Dagdag ko pa.
"I promise, babe." Tumatawa pero masuyo niyang sabi sa akin habang tinatapik tapik ako sa likod at hinalikan pa ako sa sentido. Napangiti naman ako ng matamis.
"Baby girl! What are you doing?Come here! Let's take pictures together!" Masayang sabi ni Tita at imwinestra ako sa tabi ni Rust.
Tinatawanan naman kami ni Rust at agad akong inakbayan pagkalapit ko sa kanila. Pinagitnahan kami ng mommy at daddy niya.
Graduation ni Rust ngayon maging si Erik at Jeremy. Next week naman naman kila Jaz at Niko. Magkakaiba kasi ng araw o oras ang graduation ng bawat course para hindi magulo at siksikan.
Proud na proud ako sa boyfriend kong first honorable mention. Mahirap magkaroon ng mataas na grado dito kung di ka magsisigasig sa pag-aaral. Si Rust nga kahit medyo relax pa siya ay nakakuha pa din ng mataas na rank. Seryoso naman siya sa kanyang pag-aaral at isa nga yun sa hinahangaan ko sa kanya. Ang ibig ko lang sabihin ay paano pa kaya kapag hindi siya naglalalabas, tulad nga nung kaklase niyang cumlaude ay halos naging nerd na sa sobrang tutok sa pag-aaral. Ang gusto niya ay ini-enjoy niya lang ang pag-aaral at hindi pini pressure ang sarili.
After ng graduation ay dumiretso kami sa Camp John Hay at kumain sa isang fine dining restaurant.
"After you graduate you apply immediately to the company, Jen. I'm sure, your dad will be very happy." Panghihikayat sa akin ng daddy ni Rust. Sumang-ayon din ang mommy niya. Isa kasi ang lolo ni Rust sa pioneer ng company. Kaya malaki ang share nila. Magkaibigan ang mga lolo nila Rust at Niko.
Ngumiti lang ako at nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan. After namin kumain ay kinailangan na nilang bumalik ng Manila dahil madami pa daw silang dapat asikasuhin.
"Dito ako matutulog babe ha?" Sabi ko sa kanya pagdating namin sa unit niya at sumalampak ako sa sofa. Para kasing ayoko na mawalay sa kanya dahil iilang araw na lang kaming magkasama ng ganito. Gusto kong sulitin ang bawat araw. Hindi rin kasi ako makakauwi ngayong summer dahil aasikasuhin ko yung pag o-ojt ko.
"Kahit dito ka na tumira babe." Masuyo niyang sabi at hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"Dito mo ako patitirahin eh aalis ka naman." Pabiro naman akong sumimangot. Natawa na lang siya at pumasok sa kwarto.
Lumabas siya dala ang towel niya at akmang papasok na ng bathroom nang tumigil siya sa may door.
"I'll just take a shower o sabay na tayo?" Tanong niya sa akin nang nakangisi habang tinatanggal ang butones ng long-sleeved polo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/258851754-288-k134521.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
Storie d'amoreThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish