Prologue

20 1 0
                                    

—ପଓପଓ—

Larissa POV

"O Romeo, Romeo! Wherefore art thou Romeo? Deny thy father and refuse thy name. Or, if thou wilt not, be but sworn my love, And I'll no longer be a Capulet." Pag arte nang gaganap na juliet.

Nandito ako ngayon sa sinalihan kong club. Theater Club. Ang role ko dito ay isang writer.

Ang napili naming unang gawin ngayon taon ay ang sikat na obra ni William Shakespeare Romeo and Juliet.

Sinabihan kasi kami na maghanda ng isang dula dulaan kasi daw may mga bibisita sa school.

Sa school Festival talaga dapat namin ito gagawin pero naiba ang plano dahil nga may bibisita sa school. Important people daw. At sa school festival balak namin mga tatlo ang ihahanda namin. Diba ang sisipag nila. Sana all.

Speaking of Romeo and Juliet. This story is really not a romantic one but a tragic story. Ipinakita lang ng story na mahal nila ang isa't isa hanggang kamatayan. Kaya nga nung akala ni Romeo patay na si Juliet ay sumunod siya. At nung nagising naman si Juliet ay nadatnan niya patay na si Romeo kaya totoong nagpakamatay na siya.

Parang nauwi lang sa wala lahat ng pinagdaanan nila like yung pamilya nila against sa relasyon nila.

Pero dapat kasi nagbigay ng liham si Juliet na kunwari lang na patay siya diba?  Kung inimform niya lang si Romeo edi nagtagal pa sana yung pagmamahalan nila.

Parang ewan lang talaga ang nangyari sa kuwento. Natapos rin agad ang pagmamahalan nila.

Ang gaganap na Juliet ay si Eumelia Salvia. My ex bestfriend. Kung hindi yata ako sasali sa club na ito hindi ko malalaman na mahilig pala siyang umacting. Nagulat nga ako ng makita siya dito at pati rin siya nung nagpakilala kaming mga bagong members. At simula nun ay araw araw kami nagbabangayan. Malay ko ba diyan sa babaeng yan at laging bad trip tapos sa akin ibubuhos. Magsapakan na lang kaya kami para matapos na?

Yung mga old members ay lahat nakagraduate na kaya nung naging bagong members last year which is kami ang natira na lang dito sa club.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo kay Eumelia? Nag away na naman ba kayo?" biglang sulpot nang isa sa mga kasama ko dito at kasunod niya pa yung isa. Ang pangalan nung nagsalita ay si Mikael Malvar sabi niya Kael na lang daw at yung kasama niya ay si Ernie.

Si Kael ang gaganap na Tybalt habang si Ernie ay si Mercutio.

Hindi ko sila pinansin at pinanood lang si Eumelia na patuloy pa rin sa pag arte. Damang dama niya talaga eh

"O Romeo, Romeo! Wherefore art thou Romeo—"

"Shut up." pagpuputol ko kay Eumelia at napatingin siya sa akin "Kahit ilang beses mo pa yan sabihin tingin mo magkakaroon ng himala at biglang may gustong gumanap na Romeo?" dugtong ko at inirapan niya lang ako. Ang attitude talaga niya.

Sapakan na lang?!

Higit dalawang oras niya na kasi pinaulit ulit yung linya yun. Naririndi na ako. At parang ewan kasi yung mga lalake members eh ayaw daw nilang gumanap na Romeo. Lahat ng characters ay mayroon ng gaganap at tanging Romeo na lang ang bakante.

Ako na lang kaya? Joke

"Hindi ka ba nahihiya at ikaw lang ang hindi umaarte dito?" sabi niya at napataas naman ako ng kilay

"Ako lang naman ang nag iisang writer niyo dito. Gusto mo palit tayo?" hamon ko pero yung totoo ayoko umarte. Hindi ako magaling sa ganiyan.

Tumawa siya "As if you can act better than me"

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon