Chapter 29

43 0 0
                                    


-ପଓପଓ-

Larissa POV

Nandito naman na kami at naghihintay ng elevator dadating. Wala naman masyadong tao ngayon dahil siguro gabi na. Pero hindi pa rin ako mapalagay dahil si Marcus ang kasama ko. Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko na nasa tabi ko siya.

Binasag naman ng katahimikan na bumabalot sa amin ng isang phone ringtone. Tumingin ako kay Marcus at nakita nakatingin na pala siya sa akin.

"Wala akong dalang phone"sabi ko sa kaniya at agad naman tinignan ang phone niya.

"Hello?" sagot niya at umiwas na ako ng tingin.

Naalala kong iniwan ko pala sa condo yung phone ko. Baka may mga tumatawag na rin sa akin.

"I'm not free tomorrow...no, I'm totally fine...its not about those news...its just something I'm waiting came up" rinig kong kausap niya.

Hindi naman ako tsismosa sadyang katabi ko lang siya at naririnig ko ang mga sinasabi niya. Maliban na lang sa kung sino ang kausap sa kabilang linya.

Sakto naman na dumating na ang elevator. Naglakad na ako pero agad rin napatigil at nilingon si Marcus na may kausap pa rin sa phone niya.

Nakita ko naman ngumiti siya sa akin at lumakad palapit. "Yes, don't worry" sabi niya at inend na ang call.

Nagulat naman ako ng pagsiklopin niya ang mga kamay namin at hinila na ako papasok ng elevator. Pansin ko naman ang pagkalamig ng kamay ko habang ang kaniya ay may pagkamainit.

"18th floor right?" rinig kong tanong niya at tumango ako. "Your hand are cold."dugtong pa niya at nakita kong sumarado na ang elevator.

Hindi naman na ako makatingin sa dereksyon ni Marcus dahil na rin sa hindi kong maintidihan na nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog na ang puso ko pero yung tiyan ko parang may mga butterfly.

oh baka gutom lang ako?

Naramdaman ko naman na pinasok niya sa bulsa ang kamay naming dalawa na magkasiklop pa rin.

Tumingin ako kay Marcus at saktong tumingin rin siya sa akin. "Why? Does it uncomfortable?" tanong niya at nakita kong aalisin niya na sa bulsa ng jacket niya ang kamay namin.

Umiling ako. "Hindi sa ganun..."sabi ko at nakita ng ibinalik niya na ang kamay namin sa bulsa ng jacket niya ulit.

Napakagat ako ng labi. Gusto kong tanongin kung bakit ganito siya kumilos. Pero wala pa akong lakas na loob para marinig kung ano ang isasagot niya sa akin.

"Nakikita kong naguguluhan ka."sabi niya."There something I've been wanting to tell you" dugtong pa niya at ngumiti. Sa sinabi niya parang dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.

No. Huwag kang assumera

Sakto naman huminto na ang elevator kaya lumabas kaming sabay. Maya maya pa nang makarating na kami sa harap ng condo unit ko tsaka niya binatawan ang kamay ko. Agad ko naman in-enter ang passcode at inaya siyang pumasok.

"Diyan ka muna sa sala" sabi ko at itinuro ang sofa. "Umupo ka muna dun"

Nang makita na nakaupo na siya sa sofa agad na akong pumasok ng kusina. Inilabas ko sa paper bag ang binili ko sa lamesa tsaka nilagyan pareho ng mainiit ang dalawang cup noodles.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon