Chapter 13

16 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Lunes na ngayon at kasalukuyan na ako naglalakad papuntang room. Ang ginawa ko lang nung sabado at linggo ay matulog at mag update ng mga chapter sa story ko. Wala naman pasok next week kaya dapat walang akong late ngayon week.

"Dinala daw si Marcus sa clinic"

"Hala bakit daw?"

"Bigla daw nahilo kanina buti na lang may kasama siya"

Napatigil naman ako sa narinig kong usapan ng dalawang babae na sumalubong sa akin. Kilala na ng lahat ng estudyante si Marcus dahil sa ginanap na dula dulaan. Buti nga hindi sila yung tipong sisigaw kapag nakita nila yung sikat na student sa school.

Naglakad naman ako palapit sa kanina at hinarang sila "Kanina pa ba?"

"Huh?"

"I mean kanina pa ba nasa clinic si Marcus?" nakita ko naman ang pag tingin nila sa isa't isa at balik sa akin.

"Higit sampung minuto pa lang"

"Salamat" agad naman ako umalis sa harapan nila at naglakad patungo sa clinic. Maaga pa naman atsaka nag aalala ako. Ano bang nangyari sa kaniya? Sabi ko na parang may mali sa kaniya nung nakaraan linggo.

Sa tagal ko na dito sa school hindi ko pa ako nakakapasok sa clinic. Kapag may sakit naman kasi ako hindi ako pinapayagan ni lola pumasok, pero kung may sakit siya dapat hindi na siya pumasok. Ang tigas talaga ng ulo ng isang iyon.

Mabilis naman ako nakapunta sa clinic at nandito na ako sa harap ng pintuan. Bigla akong nagdadalawang isip. Hinawakan ko na ang door knob at huminga ng malalim. Bahala na nga kung ano isipin niya.

"Why can't you just leave?"

"Ikaw na nga sinasamahan maarte pa"

"Hindi ko naman sinabi mag stay ka pa"

"Hindi ka man lang magthank you dahil kung hindi kita naalalayan hindi ka makakapunta dito!"

"Pinilit ba kitang samahan ako?"

"Aba! Pasalamat ka at gusto kit—"

Inilibot ko ang mata ko sa loob ng clinic at nagulat sa nakita ko. Napatigil ang babae at napatitig sa akin.

Nakaupo si Marcus sa bed habang nakasandal ang likod niya sa bedrest habang ang babae bahagyang nakayuko at ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ni Marcus. At ang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

"Larissa" napangiwi naman ako dahil parang wala silang balak na gumalaw.

Tumingin ako kay Marcus na gulat na gulat na makita ako at balik sa babae "Ahmm ano...sorry sa istorbo" paumanhin ko at agad na sinarado ang pinto bago pa sila bumalik sa katinuan.

What a scene...

Narinig ko naman ang tunog ng Bell kaya tumakbo na ako papuntang room. Hindi ko alam nararamdaman ko sa nakita ko. Parang tumakas lahat ng emosyon sa akin nung makita sila. I feel so empty.

Pagkarating ko naman sa room ay saktong dating lang ng teacher sa Filipino. Sa buong lecture parang wala akong naiintindihan niisa. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Sino yung kasama niyang babae? Kaano ano niya? Kaibigan o Ka-ibigan? Naalala ko naman ang naputol na sinabi ng babae kay Marcus.

"Aba! Pasalamat ka at gusto kit—"

Gusto niya si Marcus? Ganun lang kadali sa kaniya mag confess? Sana lahat. At ang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Sa mga nababasa ko at napapanood ko. Pagkatapos mag confess ay nagkikiss. So means kapag magkikiss ay tinanggap niya yung confession nung babae? Sila na? Ang bilis naman.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon