Chapter 3

10 1 0
                                    

His smile

—ପଓପଓ—

Larissa POV

Naglalakad na ako papuntang school at may natitira pa akong 20 minutes kaya chill lang tayo ngayon araw. Maganda ang gising ko ngayon dahil sa wakas ay may masisimulan na kami para sa dula dulaan.

"Larissa" tawag sa akin ng boses galing sa likod. Nilingon ko ito at napakunot ng noo ng makita kung sino ito. Matagal tagal na rin nung huli ko siya nakita.

Parang gugulo pa lalo ang mundo ko

"Yes? Sino ka?" pagpapanggap kong hindi siya kilala. Mapagtripan nga siya. Isa pa itong late eh.

"Larissa hindi mo ba ako natatandaan? Nagka amnesia ka ba? Saan naman nabagok ang ulo mo? Bakit nakalimutan mo ang pinaka gwapo mong bestfriend?" tuloy tuloy na tanong niya at parang narindi yung tenga ko sa sinabi niyang pinaka gwapo ng bestfriend. Tinalo pa yung amihan sa kahanginan.

"As far as I remember wala akong bestfriend na pinaka gwapo. Ang meron ako ay pinaka mahangin lang" sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Hindi mo talaga ako maalala?"

Ay maghanap ka ng ibang kausap mo

Napairap naman ako at iniwan siya. Mahirap talaga siyang kausap sa umaga, hindi gumagana ng maayos ang utak.

"Larissa hindi mo talaga ako maalala?" habol niya at sinabayan ako sa paglalakad.

Kala ko pa naman na maganda ang magiging araw ko ngayon pero yun pala ay hindi. Lahat na lang paasa.

"Ikaw si Jeremy Aranilla ang pinaka mahangin na nakilala ko" lumingon ako sa kaniya "Kailan ka pa nagtransfer dito?" ang alam ko kasi nasa ibang school siya nag aaral. Ano na naman kalokohan ang ginawa niya at nagtransfer siya dito?

"Last week pa"

"Tapos ngayon ka lang nagpakita sa akin" tumawa naman siya sa sinabi ko. Isa pa itong masayahin sa buhay eh pero mas masayahin si Marcus. Teka nga lang. Bakit ko ba siya pinapasok sa usapan?

"Ikaw naman bestfriend ngayon lang kasi kita nahagilap rin"

Si Jeremy Aranilla. Kaklasmate ko siya buong year nung elematary ako kaya medyo feeling close siya sa akin joke. Ang balita ko lang sa kaniya nung nagkahiwalay kami ng school ay nagkaroon siya ng mga maraming ex. Baka yan ang reason bakit siya lumipat dito. Pero kahit naman mabilis siyang magsawa sa isang relasyon ay sineseryoso niya naman ito, sadyang salawahan lang talaga siya.

"Anong bago?" tanong ko at nakita ko ang ngisi niya.

"Ito napasali sa club"

Ohhh?

"Huwag mong sabihin may gusto ka dun kaya ka sumali?" pagbibiro ko.

"Ganun na nga" napatigil naman ako sa paglalakad at nilingon siya.

Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. Huwag mong sabihin dito naman siya magkakalat ng lagim kaya siya lumipat?

Huminto rin siya at humarap sa akin. "Iba na to this time pero hindi niya pa alam kaya quiet ka lang" napairap naman ako ng kumindat siya. Kala mo kinagwapo niya eh.

"Siguraduhin mo lang kundi ako ang sasapak sayo." pinakita ko sa kaniya ang nakakuyom kong kamao. Ako talaga sasapak sa kaniya. Ginawa kasing laro yung pakikipagrelasyon na iiwan na lang kapag nagsawa na. At subukan niya lang magkalat ng lagim dito, nako!

Pagkapasok namin sa school ay agad na siya nagpaalam para pumunta sa room niya, pero bago siya umalis ay sinabi niya na magsabay daw kami kumain sa cafeteria para magkuwentuhan. Isang madaldal na tao rin itong si Jeremy.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon