Chapter 32

21 0 0
                                    

—ପଓପଓ—


Larissa POV

Isang malakas na katok ang pumutol sa aking pagtulog. Higit limang oras pa lang ng matulog ako dahil tinapos ko ang manuscript.

"Larissa, girl, gising!"

Hindi ko naman pinansin ang sigaw ni Carl at gumulong ako sa kaliwang bahagi ng kama, tsaka tinakpan ng unan ang aking mukha.

"Larissa gigising ka o sisirain ko itong pinto mo?!"

Agad naman ako napamulat at umupo sa pagkakahiga.

Oh god

"ITO NA. GISING NA AKO" sigaw ko at tumigil naman ang pagkatok niya ng walang humpay. Higit kalahating oras na yata siya kumakatok.

Last time kasi na bintaan niya ako na sisirain ang pinto ko, noong nasa LA pa kami. Akala ko nagbibiro lang siya pero sinira niya talaga ang pinto ng kwarto ko. At itong pangyayari ang naging lesson sa akin kapag nagbanta si Carl, alam kong totoohanin niya.

Pagkatapos kong magsuklay ng buhok tumungo ako sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang mukha ni Carl at ang kilay nito na magkasalubong. Palihim naman ako napalunok at kumuha ng lakas para magsalita

Galit na siya

"Ano bang problema?" tanong ko sa kaniya.

"Larissa your team been calling your phone but they can't reach you! We have a big PROBLEM" sabi niya at napaatras naman ako. "Buti na lang at umuwi agad ako kung hindi—goodness"

Napataas naman ako ng kamay. "Okay, okay. How about we calm down first?"

"Paano ako kakalma kung malaki ang problema natin?!"

Hinawakan mo naman siya sa magkabilang balikat. "Hindi tayo nakaka pag-isip kung anong solusyon sa problema kung hindi tayo kalmado. Okay?"

Pinanood ko naman siya pakalmahin ang sarili at mag inhale-exhale higit isang minuto.

Ang team na kaniyang tinutukoy ay si Kuya Lucas ang nag-recommend sa akin. Since may mga bagay na hindi ko kaya at maasikaso. Pero hindi ko pa sila nakikita ng personal dahil naging busy ako agad pagkabalik ko ng pilipinas.

Nang makita ko na kalmado na siya ay hinatak ko siya sa sala at umupo kami sa magkabilang sofa.

"Ano bang problema? Tungkol ba sa movie project? Or what?"

"Hindi, girl. Tungkol ito sa iba"

Somewhat nakahinga ako ng maluwag ng malaman na hindi ito tungkol sa movie. Akala ko nagbago isip nila at ayaw na nilang gawan ng movie adaption ang story ko.

"So tungkol saan ba, Carl?"

"Promise me girl na huwag kang mabibigla?"

Tumango naman ako kahit na hindi ako sigurado. Kung siya sobra na ang pag-react paano naman ako na malalaman ko pa lang. "Anong problema, Carl?"

"Maraming kumakalat na article about Marcus"

Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang pangalan ni Marcus. "Then?"

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon