Epilogue

26 0 0
                                    

—ପଓପଓ—

Larrisa POV

[13:06]

Naiayos ko naman na sa lagayan ang tatlong ulam na niluto ko na saktong narinig ko ang pagtunog ng doorbell.

Isa-isa ko na itong nilagay sa paperbag pagkatapos ay tumungo na sa pintuan dala ito. Nang buksan ko ay bumungad sa akin ang isang babae na parang kaedad ko lang.

"Ikaw po si Ms, Larissa?"

Tumango ako at ngumiti. "Ikaw yung sinabi sa akin ni Marcus na staff niya?" tanong ko at inabot na sa kaniya ang paperbag na hawak ko na agad naman niyang kinuha.

"Sorry po kung natagalan. Traffic po kasi sa dinaanan ko."

"Okay lang." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at nakita na para siya nadaanan ng bagyo. "Ah, ano. Kumain ka na rin ba?"

"Hindi pa nga po, eh. Marami kaming ginagawa po ngayon kaya dapat makabalik na rin agad ako do—"

"Teka. Actually may hinanda rin ako sayo. Hintayin mo ako dito." pagpuputol ko at agad bumalik sa kusina.

Kinuha ko ang dalawang baunan na may laman na kanin at ulam. Nung nagluluto ako pumasok sa isip ko na bigyan din ang dadating pero nung natapos ko ito gawin parang nahiya ako. Pero buti na lang gutom siya. Hindi awkward ibigay.

Nang makabalik ako agad kong binigay ang isa pang paper bag na para sa kaniya. "Masama malipasan ng gutom."

"Thank you po."

"Thank you rin."

"Alis na po ako." Paalam nito kaya tumango ako. "Best wishes po sa inyo ni Sir Marcus."

"Salama—Ha? Ano nga ulit yon?" tanong ko pero hindi na ako sinagot nito at may ngiti sa labi ng umalis.

[18:00]

Kakatapos lang naman na ako ayusan ni Carl at nakatingin ako ngayon sa reflection ko sa mirror. Nakasuot ako ng navy blue evening dress. May design ito sa bandang ibaba na parang maliliit na bituin at ang style nito ay v-neck. Ang buhok ko ay nakaladlad lang at may onting kulot sa dulo

Parang starry night lang ang dating ng suot kong evening dress ngayon. I wonder kung saan si Carl nakahanap nitong kagandang dress.

May inabot sa akin si Carl na silver clutch bag.

"Hindi ba masiyadong stand out?" tanong ko sa kaniya at umikot naman siya sa akin habang tinitignan ang buong itsura ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ba masiyadong stand out?" tanong ko sa kaniya at umikot naman siya sa akin habang tinitignan ang buong itsura ko.

"Mapapalingon lang silang lahat sayo." sabi niya at tumigil sa harapan ko

Napangiwi ako. "Hindi ko kailangan ng atensyon."

"Ano ka ba, girl. Si Marcus kasama mo, siguradong lahat ng mata nasa inyo." aniya. "I mean nasa kaniya."

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon