Chapter 30

43 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Nagising naman ako sa sunod sunod na pagtunog ng doorbell. Half eyes closed tumayo ako at naglakad papuntang pinto. Not minding kung ano ang it sura ko ngayon binuksan ko ang pinto.

"Goodmorning" bungad na bati niya sa akin.

"Good morning" bati ko rin at kinusot ang mata ko. Pagkatapos tinignan ko ulit ang tao nasa harapan ko ngayon at malinaw ko na siyang nakikita. Nakasuot siya ng Black shirt at fitted Jean. Nakita ko rin na basa pa rin ang buhok niya na parang kakatapos niya pa lang maligo.

"Marcus? Ang aga mo naman"

"Not really. It's already 12 noon" sabi niya at pumasok na sa loob.

Naglakad naman ako palapit sa kaniya. "Huh? Tanghali na?" tanong ko at tumawang tumango siya.

"Yes" nagulat naman ako ng bigla niya hinalikan ang tungki ng ilong ko. "I guess you didn't take any breakfast so let me cook you a lunch"

"Huwag na. Ako na lang ang magluluto ng lu—"

"No. Ako na ang magluluto at sabay na tayong maglunch." sabi niya at pinatong ang kamay sa ulo ko tsaka ginulo ang buhok ko. "Asikasuhin mo na lang ang sarili mo muna. Tanghali and you smelled... "

Napasimangot naman ako. "Grabe ka naman" sabi ko at nagkrus ng kamay. "pumunta ka ba dito para kutyain ako?"

"No, I'm here to see you" sabi ni Marcus sa akin at kumindat.

Kakaiba siya

"Don't stare like that. I might assume you're falling deep to me" sabi niya at nakita ko siyang ngumisi.

Napangiwi naman ako. "Matagal na kaya" sabi ko at nakita kong bigla siyang namula.

Cute

"You just casually say like that?" tanong niya.

"Dapat bang hindi?"

"No but..." lumapit naman siya sa akin at ipinulupot ang kamay sa bewang ko. Ngayon isang metro na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa "Larissa ikaw ba talaga ang kaharap ko?"

"Oo pero ikaw ba talaga si Marcus na nakilala ko dati?" balik na tanong ko sa kaniya at kita ko ang pag-ngisi niya.

"Ako nga yung Marcus na nakilala mo dati, na hinintay kang bumalik, at matagal kang hinanap" sabi niya at hinalikan ang noo ko. "I hope this is not a dream."

"Hindi naman talaga. Gusto mo ng patunay?"

"Oh really? Sige nga"

Tumingkayad naman ako at mabilis na binigyan ng halik ang pisngi niya. Nakaramdam naman ako ng onting hiya pagkatapos kong gawin ito.

Nakita ko naman na parang gulat pa rin siya kaya sinamantala ko na ito at tinanggal ang pagkakapulupot ng kamay niya sa bewang ko. "Ahm..ano..maliligo na muna ako." paalam ko at agad na umalis sa harapan niya.

Pagkapasok ko sa kwarto agad kong nilock at pagkatapos napaupo na lang sa sahig. "Nakakahiya." tukoy ko sa ginawa kong paghalik sa pisngi ni Marcus.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon