Chapter 31

41 0 0
                                    

—ପଓପଓ—

Larissa POV

Love moves in mysterious way. Hindi mo namamalayan na nagsisimula na pala ang unang pahina o patapos na pala. Pero hindi porket patapos na ibig sabihin hanggang doon na lang. Habang may katapusan mayroon kang pagkakataon na magkaroon ng bagong simula. Not everything end, it the end.

Kagaya na lang ng paglagay ng tuldok sa pinakahuling salita. Ang paglagay nito ay hindi lang ibig sabihin tapusin ang isang talata kundi para rin magsimula ng panibago. Kung saan lahat ng pagkakamali at panghihinayang pwede mong solusyonan.

Akala ko na ang pag-alis ko ang katapusan ng pagkakilala namin ni Marcus. Ito lang pala ang paghahanda para sa pagsisimula ng panibagong pahina ng libro na ang hinihintay na lang ang muli naming pagtatagpo.

Napatigil naman ako sa pag-edit ng manuscript nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Itinabi ko muna ang laptop ko at agad tumungo sa pinto.

Nang buksan ko ito nagulat ako ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. "Heaven?"

"Hi" bati niya sa akin. Hindi ako makapaniwala tinitigan siya.

Nakasuot siya ng white dress habang nakamessy bun ang buhok niya. Sabi nga nila na simple but elegant. Tinignan ko naman ang sarili ko at nakapajama lang ako ngayon.

Diskriminasyon ba ito?

"ahm...ano kailangan mo?" tanong ko sa kaniya. Kung alam ko lang na dadating siya eh di sana nag-suot man lang ako ng maayos.

"Larissa, can we talk?" tanong ni heaven at bahagyang ngumiti. Tumango naman ako at pinapasok na siya sa loob. Ito ang unang pag-usap naming dalawa simula na magkakilala kami.

"Ano gusto mo juice, coffee, tea, or water?" tanong ko sa kaniya ng makaupo siya sa sofa.

"No, I'm okay. Pumunta ako dito para maka-usap ka" sabi niya at umupo na ako sa kanilang sofa.

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?"

"Marcus already told me about the two of you"

Ohh

Sumandal naman ako sa sofa at napakunot ng noo. "Huwag mong sabihin n—"

"Wait this is not what you think." pagpuputol niya sa akin. "I'm here to clear some things hindi para sabihin ang gasgas na linyang 'hindi ako sa sang-ayon sa relasyon niyo', kagaya na lang sa libro o teledrama" dugtong niya at tumango ako.

"Kung ganun ano gusto mong linawin?"

"I know you were there when I confessed my feelings to Marcus" sabi niya at hindi ko naman pinahalata na nagulat ako.

"Paano mong nalaman na nandun ako?" tanong ko.

"Marcus told me na bago ka umalis may narinig kang conversations na hindi niya ma-point out kung ano iyon. But I expect yung confession ko ang tinutukoy mo"

Tama ka nga

"Unfortunately that time he turned me down because he already love someone" sabi ni Heaven. "He love someone which is you, Larissa"

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon