Chapter 15

11 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Kasalukuyan na akong patungo sa Cafeteria. Kakatapos lang ng klase at kagaya ng inaasahan ko ay kalahating araw lang ang klase ngayon. Hindi rin ako mapakali sa hindi malaman dahilan. Hindi ako na late ngayon means parang may mangyayari na hindi ko magugugustuhan. Tuwing maaga akong pumasok may nangyayari.

Faith ko na bang malate lagi?

Nakarating naman ako sa cafeteria at napansin na ang daming estudyante pa rin. Mukhang hindi pa rin sila uuwi pa kagaya ko. Ang balak ko ay manatili muna sa club room.

"Larissa Bestfriend!!" napatigil naman ako sa paglalakad papuntang counter at hinanap kung saan galing ang boses na iyon. Nakita ko si Jeremy na nakatayong kumakaway sa akin kaya napailing ako. Baliw talaga.

Tinignan ko ang kasama niya na kumain at napakunot ng noo ng makita si Marcus. Pumasok pa talaga siya? Nawala naman ang pagkunot ng noo ko ng makita ang katabi niya.

Sabi ko na, eh. Kapag hindi ako nalalate may mangyayari na hindi ko magugustuhan.

"Sabay sila ngayon"

"Told you. My ship is sailing"

"Lulubog din yan"

"Whatever. Heaven and Marcus pa rin"

"Ay palubog na pala"

Napailing na lang at umiwas ng tingin. Pumunta na ako sa counter at agad na umorder ng dalawang sandwich at bottled juice. Pagkatapos mabilis akong lumabas ng cafeteria.

Hindi sa umiiwas ako sadyang wala lang puwesto kung nasaan sila Jeremy. Kumpleto nga sila at nandun rin si Kael at Pressy Raniela. Alangan naman umupo ako sa sahig o humila ako ng upuan? No thanks na lang at sa club room na lang ako kakain.

Nang makarating sa club room kagaya ng inaasahan ko na ako lang ang nandito. Agad na ako pumunta sa desk at nilapag ang hawak kong pagkain at bag. Kinuha ko naman ang libro na binasa ko kahapon at bumalik na sa desk.

Habang nagbabasa ay kinakain ko na ang ang binili kong sandwiches. Napakunot ako ng noo dahil nasa part na pala ako na nalaman na ng babae na may nararamdaman siya sa lalake pero hindi niya ito masabi dahil sa kaibigan ng lalake. Nalaman niya kasing mayroon din ito nararamdaman. Hindi niya matatanggi na nasasaktan siyang makita na kasama ng lalake ang kaibigan niya, pero wala siyang karapatan dahil hindi naman sila at mayroon lang naman siya nararamdaman

"What a coincidence" nasabi ko na lang habang nagbabasa. Magkatulad kami ng sitwasyon ng babae sa binabasa kong libro.

Nung makita ko sila magkasama ni Marcus ay nakaramdam ako ng lungkot at sakit. Ano nga bang pangalan nung babae? Narinig kong sinabi yun ng nag usap na estudyante kanina. Heaven? Sa pag uusap nung estudyante parang may loveteam pala sila ni Marcus. Sabi ni Marcus kaibigan niya daw yun. At doon naman nagsisimula ang lahat diba? Magkaibigan hanggang sa magka-ibigan.

Nagseselos ba ako? pero hindi pwede ito. Wala naman kami para magselos ako.

Napailing na lang ako at tinuon ang atensyon ko sa pagbabasa. Nararamdaman ko ang lahat ng emosyon ng babae sa libro. Ang bigat na tuloy ng loob ko ngayon.

Sa pagbabasa ng mga libro ay naiintindihan ko bakit nararamdaman ng tao ang isang emosyon at bakit nangyayari ang isang bagay. Kagaya na lang sa isang sitwasyon ay mayroon tayong iba't ibang paraan paano ito haharapin.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon