Chapter 17

22 0 0
                                    


-ପଓପଓ-

Larissa POV

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako sa patuloy na pagtunog ng phone ko. Nakapitkit ko itong inabot at sinagot ang tawag.

"Hello?" Sino bang matino ang tatawag ng ganitong oras?

"Larissa, mama mo ito"

Napadilat naman ako ng mata at napabangon. Inilayo ko ang phone ko at nakita na si mama nga ang kausap ko ngayon. Bigla naman ako kinabahan.

"Ma? Napatawag ka?"

"Your kuya needs you. He wants you here. Please Larissa anak pumayag ka na at dito tumira kasama namin."

"Ma wala naman ako maitutulong diyan" sabi ko at narinig ko ang sunod na sunod na paghikbi ni mama sa kanilang linya. May namuong luha naman sa mata ko.

"Larissa kailangan ka ng kuya mo. Kailangan niya ng kapatid."

"Ma ayaw ko."

"Please Larissa"

"Ma ayaw ko. Hindi ko kayang makita si kuya sa kalagayan niya" tumingala naman ako para mapigilan ang pagtulo ng luha ko at para tuloy may nakabara sa lalamunan ko.

"Larissa your kuya is fighting for his life. Ang tanging maitutulong natin sa kaniya ay ipadama na nasa tabi niya tayo. Larissa, we can't run away forever."

"Sorry ma, sorry." hingi kong tawad at hindi ko naman na mapigilan na umiyak na rin. Totoo ang sinabi ni mama. Patuloy ko tinatakbuhan ang mga problema. Tinatakbuhan ko ang lahat ng pwede makasakit sa akin. Napaka selfish ko.

Nung bakasyon pa nila ako sinabihan na gusto nila na kasama na nila ako doon sa ibang bansa. Hindi ako pumayag. May dalawang rason ako. Ang una ayaw ko makita si kuya na nahihirapan sa kalagayan niya at ang pangalawa ayaw ko talaga dun.

Oo matatawag na sarili ko lang ang iniisip ko at wala akong kwentang kapatid. Alam ko kasi sa sarili ko hindi ko kakayanin ang problema dun. Baka unang araw pa lang bumigay na ako at makita ko lang ang kuya ko na nahihirapan sa sakit niya.

"I already asked your lola for your passport. Pupunta ka dito sa ayaw at gusto mo. Kailangan ka namin dito anak"

"Ma paano na pag aaral ko dito? Aalis na lang ako ng hindi ito tinapos?" tanong ko at pulit na pinapatugil ang sarili sa pag-iyak.

"It's okay, you can continue your school here. Were family right? We should help each other. Malalampasan rin natin ito" rinig kong sabi niya at pansin ko ang onting onti na siyang tumahan sa pag iyak.

"Ma bigyan niyo pa ako ng oras dito. Kahit hanggang pagtapos lang ng buwan ng August" hingi kong pabor. Wala na akong magagawa. Hindi ko na kayang tumakbo pa.

"Okay we will"

"Thanks, Ma at sorry" agad ko naman na pinatay ang tawag at napahiga ulit. Aalis na talaga ako. Ang dami ko pa naman plano gawin ngayon taon. Kagaya ng paghahanda sa school festival. Gaganapin ito sa November pero parang hindi na ako makakapag participate. Mayroon pa naman na akong mga naisip na kuwento pwede naming gawin.

-ପଓ-

Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatitig lang sa kisame ng biglang mayroon nagflash sa utak ko na isang pangyayari.

"Ang corny ng gagawin natin. Wish talaga sa isa't isa?"

"Yes, a wish for each other. How fun isnt it?"

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon