Chapter 12

18 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

"You may all go now"

Mabilis akong lumabas ng room pagkasabi pa lang ni Ma'am. Kakatapos lang ng test at huwebes na ngayon. Higit apat na araw rin ang tinagal ng test at ang sakit ng ulo ko kakareview. Pagkatapos kasi ng test sa isang araw ay agad akong umuuwi sa bahay para makatulog at magreview pagkatapos. Ganun lang ang ginawa ko sa apat na araw kaya hindi ko pa nakikita kahit na sino at si Marcus.

Ngayon papunta na ako sa club room. Wala naman kaming gagawin ngayon at gusto ko lang talaga pumunta dahil ala una pa lang naman ng hapon. Ang kinuhang pagsusulit namin ngayon ay Math at Science kaya medyo masakit ulo ko nung nakita ko ang test paper. Buti talaga nagreview ako.

Pagkapasok ko naman sa club room ay napansin ko nabalik na ang mga gamit dito. Nandito na ang dalawang book shelf na may random na mga libro. Malaking lamesa at mga upuan. At dalawang mabahang sofa at maliit na lamesa.

Tumingin naman ako sa desk ko at napakunot ng noo na may nakita ng taong natutulog. Sa likod pa lang alam ko na si Marcus iyon. Ang dami naman puwesto na ngayon dito at bakit dun pa sa desk ko?

Umupo na lang ako muna sa sofa at napangiwi ng makita si Pressy Raniela at Eumelia na nakangisi nakaupo sa kabilang sofa na katapat ko lang. Nandito pala sila. Hindi ko napansin.

"Bakit?" tanong ko at ipinatong ang bag sa hita ko.

"Saan ka ba nagsusuot Larissa? At hindi ka namin mahagilap" tanong sa akin ni Pressy Raniela at nagkrus ng kamay.

"Deresto uwi na agad kasi ako pagkatapos ng test para sa bahay mag review" sagot ko.

"Really? or are you avoiding Marcus?" napatingin naman ako kay Eumelia. Ang lakas ng boses niya at alam niya nandito yung tao.

"Huh? Bakit ko naman siya iiwasan?" bakit ba kaming apat lang ang nandito ngayon? At bakit biglang napasok si Marcus sa usapan?

"Because of his post?" napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Hindi ko sila maintidihan.

"Post? Anong post?" tanong ko kaya napakunot din sila ng noo.

"Hindi mo pa nakikita?" umiling ako bilang sagot. Tatanongin ko ba kung nakita ko?

"Hindi mo ba nababasa yung message namin sa group chat natin?" tanong ulit ni Pressy Raniela.

"Hindi" sabi ko. Simula kasing aksidente kong nasend yung congrats message ko kay Marcus ay hindi ko na binalak buksan ang account ko. Nakakahiya kaya. Sana iseen niya lang.

"Then what are you waiting for? Mag open ka ng account mo" napairap naman ako kay Eumelia. Masyadong demanding. Kinuha ko na ang phone ko sa bag.

"Ano bang meron at hindi niyo na lang sabihin." sabi ko "Ano bang pake ko sa pinost niya" dugtong ko pa.

"What are you doing?"

"ini-install yung app. Hindi mo ba nakikita?" sabi ko at hinarap sa kanila ang phone ko.

Nakita ko naman na parehas silang napakunot ng noo sa sinabi ko habang nakatingin sa phone ko. Ano bang problema ng dalawang ito?

Pinanood ko silang may kung ako kinalikot sa phone nila at maya maya ay bumalik ng tingin sa akin "Nagsend ng screenshot si Faith sa group chat." sabi ni Eumelia. Napailing na lang ako at tinignan na ito.

Bigla naman ako nakaramdam ng kaba ng makita na mayroon message pala sa akin si Marcus at nung Friday pa ito. Hindi ko na lang muna pinansin at tinignan na ang group chat namin.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon