Chapter 9

9 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

"It's been 3 days but look at them"

"Ang weird tuloy ng atmosphere"

"Nakakapanibago nga"

"Nag away ba sila?"

Lihim na lang ako napairap sa usapan nila Pressy Raniela, Kael at Eumelia. Thursday na pala ngayon mean bukas na ipeperform ang Romeo and Juliet. Tatlong linggo mahigit rin ang tinagal ng paghahanda namin.

Kasalukuyan akong gumagawa ng essay sa English subject kasi sabi ni Ma'am kailangan daw ipasa agad kapag natapos na. Dapat talaga sa library ko ito gagawin pero lahat ng kaklase ko ay nandun at gumagawa ng essay kaya dito ako sa club room. Iba rin kasi trip ni ma'am at halatang may galit siya sa amin.

*cough* *cough*

Speaking of. Bigla na lang ako nagkaubo simula nung umaga. Pabago bago kasi ang panahon ngayon. Nabigla ata ang katawan ko at buti pa ang ubo bumabalik. Napapadrama tuloy ako. Siguro bukas mawawala rin ito.

Ang essay na sinusulat ko ay tungkol sa kung ano mararamdaman mo kung may taong bigla hindi ka na lang pinansin. Hindi ko alam kung coincidence lang o sadyang broken hearted yung teacher namin at kami ang dinadamay.

Well madali lang naman sa akin ito kasi may taong hindi na ako pinapansin. Ewan ko ba. Simula nung lunes hindi na ako pinansin ni Marcus. Sinubukan ko naman siya kausapin pero parang ayaw naman niya ako kausapin kaya hayaan ko na lang.

Kung ayaw niya. Edi wag.

"People come and go. If you can't bare another goodbye, then closed the door" sulat ko. 

Ano bang good sa goodbye? May iba't ibang klase ito, pero dapat pa bang lagyan ng 'good' ang 'goodbye' kung ang paalam pala ay tuluyan na sila aalis sa buhay mo? Good pa rin ba iyon? Kung hindi naman sila mananatili dapat hindi na lang sila dumating sa simula pa lang. Lahat temporary.

Ang pinaka masakit na goodbye ay yung hindi mo narinig pero naramdaman mo. Silence goodbye is the most hurtful one.

Maya maya pa ay natapos ko rin ang essay kaya agad ko ng niligpit ang mga gamit ko. Kung ano ano lang yata pinagsusulat ko sa essay. Bahala na si ma'am. Isa siyang pahirap sa buhay. Tumayo ako at ipinatong ko muna ang bag ko sa upuan. Iiwan ko dito ang bag ko at para mapasa ko na itong essay.

*cough* *cough*

Kinuha ko na yung essay nasa desk at naglakad na patungo sa pinto. Bwiset na ubo rin ito. Isa ring pahirap sa buhay ko. Buti na lang ay onti lang gagawin ngayon sa club.

"Saan ka pupunta?" napahinto naman ako sa paglalakad at nilingon si Kael na nagtanong.

"Sa impyerno. Sama ka?" narinig ko naman ang pag 'oohhh' ng mga kasama ko. Ako na lang talaga matino sa club namin.

"Grabe nagtatanong lang. Ang init ng ulo" inirapan ko siya at tuluyan ng lumabas ng club room.

Mabilis naman ako nakapunta sa English dept at agad ko na napasa ang ginawa kong essay. Nakita ko pa si ma'am na salubong ang kilay habang may tinatype sa laptop niya. Siguro kulang lang si ma'am ng tamis sa buhay niya. Hanapan ko kaya ng kasintahan? Joke. Parang naging bugaw naman ako at baka ibagsak ako ni ma'am.

Naglalakad na ako pabalik sa club room nang makasalubong ko sila Faith, Jeremy at Horus. Ngayon ko lang ata sila nakita magkakasama. Dala nila ang bag nila siguro uuwi na sila. 

"Larissa" bati sa akin ni Faith at kumaway pa. Napakunot ako ng noo ng tumakbo palapit sa akin si Faith. Ano na naman bang problema nila?

"Pupunta ka na sa club room niyo" tumango naman ako at nakita na sa harapan ko na rin si Horus at Jeremy "Nice. Sama kami" ngumiti siya na napakalaki.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon