Chapter 7

14 1 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Natapos ng maaga ang klase ngayon. Alas tres pa lang ay sinabi na pwede na kaming makauwi kaya dumeretso agad ako sa library. Nag paalam ako kay Sir Jason na hindi muna ako pupunta sa club room. Higit dalawang oras na rin nandito ako.

Natambakan na talaga ako ng maraming school projects. Mabuti na rin ang pakiramdam ko at biyernes na ngayon. Balak kong tapusin lahat ng gawain ko para wala na akong iisipin at makatulong sa club.

Napatigil ako sa pagsusulat ng may tumabi sa akin. Nilingon ko ito at napakunot ng noo nang makita kung sino ito. Anong himala ang mayroon ngayon?

"Horus?" lumingon ito sa akin at ngumisi. Tinignan ko naman ang mga libro na nasa harapan niya. Science and Statistic. Mukhang mag advance study siya.

"Ngayon lang kita ulit nakita Larissa" sabi niya at may kinuha sa bag niya. Napangiwi naman ako ng salamin lang pala ang kukunin niya. Isinuot niya na ito na at tada ang ang pinaka gusto ng lahat. Bumagay ang suot niya salamin at gumwapo siya.

Nerd handsome look

Napairap na lang ako at bumalik sa ginagawa ko. "Busy ka kasi sa mga babae mo, Horus. Kaya hindi mo napapansin ang paligid mo" kaya hindi mo napapansin na may nasasaktan habang pinapanood ka. Napailing na lang ako ng maalala ko si Eumelia.

"Mga babae?" ramdam ko naman ang titig niya sa akin pero hindi ko ito pinansin at nag patuloy lang sa ginagawa ko.

"Yes. Mga babae."

Binigyan ako ng notes ng mga teacher para daw makahabol ako. Dalawang araw lang naman akong absent. Ang sabi nila maganda na rin mag advance study na rin daw ako.

"Pinagsasabi mo? Wala akong mga babae" napatingin naman ako sa kaniya at kita ang salubong niyang kilay. Pikon na siya niyan?

"Wala?"

"Wala nga"

Ngumisi ako. Minsan ko lang naman siya makita dito sa school. Pinagtataka ko nga bakit hindi ko ito mahagilap sa school "Talaga?"

Napailing na lang siya at nag simula nang basahin ang libro na sa harapan niya. "Saan mo ba narinig ang mga pinagsasabi mo?" napakunot ako ng noo. Sinasabi niya bang tsismosa ako? Wow.

"Kay Eumelia" pagkasabi ko ay nakita ko ang pagkatigil niya. Hindi ko talaga narinig kay Eumelia. Nakita ko lang siya one time na may kausap na babae at parang may tinatanong lang sa kaniya. At sa hindi kaluyan si Eumelia na nakatingin sa kaniya.

Hindi ako tipo na makikialam sa problema ng iba. Mas lalo kasing gugulo kapag mayroon nakasali sa problema sa pagitan niyo. Kaya ako kapag nagkaroon ako ng problema sa isang tao manghihingi lang ako ng ibang perspective pero ako pa rin ang aayos.

"Maniwala ako. Alam kong matalino ka Larissa pero mas matalino ako." napairap naman ako. Pinuri niya nga ako pero parang hindi rin.

Alam ko naman matalino siya. Nakikita ko nga diba. Nag aadvance study siya ngayon.

"Ang hangin naman." sabi ko at narinig kong ang mahina niyang pagtawa. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

Binalot naman kami ng katahimikan. Bakit ba sa tabi ko napili niyang puwesto? Marami naman bakante at mabibilang lang ang estudyante nandito ngayon sa Library. Hindi naman kami close joke.

"Kamusta na siya?"

Lihim naman ako napangiti "Sinong siya?" nanatili akong busy sa ginagawa ko. Bakit kasi hindi niya na lang sabihin kay Eumelia.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon