Chapter 8

10 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

"Ano b—Horus wait nga l—bwiset" hila hila ako ni Horus ay hindi kinakaladkad niya ako ngayon sa hindi ko alam na dahilan.

Kanina kasi nung naghihintay kami para sa first subject ay may Student council na nagsabi na pumunta sa quadrangle dahil may announcement daw. Kaso dahil hindi ako nakapag agahan kaya pumunta muna akong cafeteria para bumili ng pagkain dahil gutom na ako. Alam kong paghihintayin pa kami dun. Paglabas ko ng cafeteria ay may biglang taong humila sa akin.

"Aga aga holding hands talaga"

"LQ yata"

"Maghihiwalay din yan"

Napairap naman ako sa mga bulungan ng estudyante nadadaanan namin. Ang laki kasi ng hakbang ni Horus kaya parang kinakaladkad niya na ako. Siya na matangkad. Siya na biniyayaan ng laki.

"Kung sabihin mo muna kaya kung bakit mo ako kinakaladkad ngayon!" sigaw ko at sa wakas nilingon niya ako pero patuloy pa rin siya sa paghila sa akin kung saan man kami pupunta.

Bakit ba ganito ang buhay ko? Sobrang saya diba?

"I need your help" sabi niya at bumalik na sa harap ang tingin. Napakunot naman ako ng noo. Ano daw? Kailangan niya ng tulong ko?

"At ano naman?! Huwag mong sabihin magpapatulong ka sa pangliligaw sa kaniya?! Nako naman Horus mag usap muna kayo ni Eumeli—hmmm" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko ng mabilis niya tinakpan ang bibig ko.

Inilapit niya yung mukha niya sa akin kaya bahagya ako napalayo "Sshh hindi yan ang tinutukoy kong tulong." lalo naman napakunot ang noo ko "At huwag kang sumigaw."

Napairap naman ako at tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. Pinagkrus ko ang kamay at humarap sa kaniya. Ang aga aga kinakaladkad niya ako "Ano nga kasi yun? hindi yung bigla ka na lang manghihila bwiset ka"

"Kalma lang Larissa" natatawang niyang sabi. "Ganito kasi yun"

Tinaasan ko siya ng kilay "Ano?"

"Nagrequest kasi yung mga teacher sa akin na magperform ng isang song bago sabihin yung announcement"

"Tapos?" ano naman pake ko kung magpeperform siya?

"Kaso nga lang yung dapat kapartner ko ay biglang nagkasakit kaya yung boses niya ngayon hindi maayos" sabi niya at napakunot ako ng noo.

"Babae ba yan?" tanong ko kay Horus.

"Oo. Paano mo nalaman? "

"In short. Isa sa mga babae mo?" sabi ko at nakita ko namang ang pagkunot ng noo niya.

"Mga lalake nga naman"

"Wala talagang nagtatagal kapag may nagpapatukso at may malandi"

"Magjowa ba si—"

"Hindi kami magjowa! " pagpuputol ko sa dalawang babaeng dadaan at napatalon naman sila sa gulat. Tinuro ko si Horus na siyang nasa harap ko "Ang jowa niya ay si Eumelia at hi—" bago ko pa matapos sasabihin ko ay tinakpan na naman ni Horus ang bibig ko. Ako na nga maglalagay ng label para sa kanila. Ayaw pa niya?

Ang bagal kasi umandar ng ship ko

Pinanlakihan niya ako ng mata at tumingin sa dalawang babae "Pasensya na kayo masama kasi gising ng kaibigan ko. Huwag niyo ng pansin mga sinabi niya" nakita ko naman umalis na ng tuluyan yung dalawang babae.

Tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko. Sapakin ko kaya siya?

"Anong tulong ba yan? At para matanggihan ko na" masama pala ang gising ko ha

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon